Lapu-Lapu
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Para sa isda, tingnan ang lapu lapu.
Si Lalu-lapu ay isang datu sa isla ng Maktan. Nang dumating si Fernando de Magallanes para basbasan ang mga tribu ng Kristiyanismo, tumutol si Lapu- lapu at nakipaglaban sa kanila.
Walang naitala tugkol sa kapanakan ni Lau-lapu maliban sa kanyang mga magulang na sina Kusgano at Inday Puti. Siya ay nagpakasal kay Prinsesa Bulakna, ang magandang anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na lalaki, si Sawili.
Bilang isang pinuno ng Maktan, si Lapu-lapu ay sadyang may matigas na puso at matibay na paninindigan. Biglang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga magagandang alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapu-lapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan. Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapu-lapu sa kanyang alok.
Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zulu, kaaway ni Lapu-lapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusog sa lokal ng Maktan. Hatinggabi ng Abril 26, 1521 nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit na isang libo ay naglayag upang sakupin ang lokal ng maktan. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapu-lapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Maktan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapu-lapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito siya pinatay ni Lapu-lapu.
Walang nakatiyak ng kamatayan ni Lapu-lapu suba;it ang kanyang tagumpay sa paglaban sa dayuhan ay isang kabayanihang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas at sirkunabigayson ng daigdig.