Jascha Heifetz
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Abril 2007) |
Si Jascha Heifetz (Pebrero 2, 1901–Disyembre 10, 1987) ang pinakatanyag na violinist, kadalasang tinatagurian na pinakadakila sa alinmang panahon at ang pinakatanyag sa ika-20 siglo.
Mga nilalaman |
[baguhin] Isang batang prodigy
Si Heifetz ay isinilang na isang Hudyo sa Vilnius sa Lithuania. May pagtatalo kung anung taon siya tunay na ipinanganak, na ipinalalagay na maaring dalawang taon bago ang opisyal na petsa ng kapanganakan (1899 o 1900). Ang kaniyang Ama ay concertmaster ng Vilna Symphony Orchestra at nagsimulang tumugtog ng Violin si Jascha noong sya'y 3 taong gulang pa lamamng. Sya’y isang batang prodigy, na nakatugtog ng Konsiyerto ni Mendelssohn noong siya'y pitong taong gulang pa lamang sa siyudad ng Kovno (ngayon ay Kaunas, Lithuania).
[baguhin] Mga paglalakbay
Noong 1910 pumasok siya sa Konservatoryio ng St Petersburg upang magaral sa ilalim ng pagtuturo ni Leopold Auer. Naglakbay siya para tumugtog sa Alemanya at Scandinavia noong siya'y 12 taong gulang pa lamang,dito'y nakaharap niya si Fritz Kreisler sa kaunaunahang pagkaktaon sa isang bahay sa Berlin(dito sinabi ni Kreisler matapos niyang akompanyahan ang 12 taong gulang na bata sa pagtatanghal ng Mendelssohn Concierto na " maaari na nating baliin ang ating mga violin sa ating mga tuhod") Nilakbay ni Heifetz ang halos lahat ng bansa sa Europa noong siya'y nasa pagitan ng 13-19 na gulang.
[baguhin] Pagiging mamamayang Amerikano
Ang una niyang pagtatanghal sa Amerika ay noong ika-27 Oktubre, 1917 noong tumugtog siya sa Bulwagang Carnegie. Kasalukuyang nagaganap ang Unang Digmaang Pandaigdig. Tumira siya sa bansang ito at naging mamamayang Amerikano noong 1925. Nakapagtanghal siya ng napakaraming pagkakataon at nakapagrecording siya ng kanyang mga tugtugin. Ang una niyang pangkomersiyal na recording ay nagawa noong ika-7 Nobyembre, 1917 at sa buong buhay niya ay nagrecord siya para sa RCA Victor. Mayroon siyang dalisay at malinis na?technique at mabilis na vibrato. Paminsan minsan ang kanyang halos perfectong?technique at ang kanyang paguugali sa entablado ay naging dahilan upang siya'y akusahan ng pagiging mekanikal at malamig o?walang pakiramdam. Magkagayunman karamihan sa Tagapuna o mga Kritiko ay nagkakaisa na sabihing binibigyan niya ng damdamin at buhay ang mga musika na kanyang tinutugtog batay sa kagustuhan ng Kompositor.
Si Heifetz ay kadalasan na naaaliw sa chamber music (musika na tinutugtog ng mga 3-10 katao na kadalasang tinutugtog sa isang maliit na silid o chamber). Subalit ang tagumpay niya sa larangang ito ay medyo limitado. Sa dahilang ang kanyang personalidad ay waring nangingibabaw sa kanyang mga kasama sa pagtugtog. Ang mga kapansin-pansing pakikipag kalaborasyong niya ay ang kanyang mga sa mga Komposisyon ni?Beethoven, Schubert, at Brahms?kasama ang?Celista?Emmanuel Feuermann at pianista Arthur Rubinstein?noong 1940. Nagkaroon din siya ng pakikipagkolaborasyon kina?Rubinstein at cellistang si Gregor Piatigorsky, kung saan nagrekord sila ng mga Obra nina Ravel, Tchaikovsky, at Mendelssohn.
[baguhin] Mga ipinagawang komposisyon sa violin
Si Heifetz ay nagpagawa o nagpakommisyon ng mga Komposiyon para sa Violin at ang isa sa pinakakilala rito ay ang Violin Concerto ni William Walton. Nagareglo rin siya ng ilang mga piyesa gaya ng?Hora Staccato ni Grigoras Dinicu, isang Romanian gypsy na itinuturing ni Heifetz na siyang pinakamahusay na violinista na kanyang narinig. Sumulat din siya ng isang hit song,?When you make love to me, don't make believe", sa pangalang alias na Jim Hoyl.
[baguhin] May sariling paninindigan
Sa ikaapat na paglalakbay niya sa Israel noong 1953, tinugtog ni Heifetz ang Violin Sonata ni Richard Strauss. Sa mga panahong iyonay itinuturing si Strauss na isang Nazi na Kompositor, at ang kanyang mga Komposiyon ay ipinagbawal na tugtugin sa Israel kasama ng mga Komposisyon ni Richard Wagner. Bagaman at ang Holocaust ay nanghyari wala pang 10 ang nakalipas, ang pakiusap ng Pamahalaan ng Israel sa pangunguna ng Minister of Education, ang walang kinatatakutan na si Heifetz ay nagsabi na " ang musika ay naginginbabaw sa ganitong mga bagay? Hindi ko babaguhin ang aking programa. At may karapatan ako na pumili ng aking repertoire." Sa buong pagtatanghal ng Sonata ni Strauss sa pagtugtog ni Heifetz ay sinundan ito ng nakabibinging katahimikan at walang pumalakpak ni isa man.
Isang lalaki ang umatake kay Heifetz at humampas ang kanyang braso ng isang putol na bakal matapos ang pagtatanghal sa?Jerusalem sa labas ng Hotel na kanyang tinitigilan. Habang tumatakas ang lalaking umatake, inalerto ni Heifetz ang mga armadong Bantay niya upang sabihin na " Barilin nyo ang taong iyon, gusto nya akong patayin." ang assailant ay nakatakas at di kailanman natagpuan. Ang pangyayaring ito'y naging pangulong tudling sa mga pahayagan (headlines) at si Heifetz?ay walang takot na nagpahayag na hindi siya titigil ng pagtugtog sa musika ni Strauss. Mas marami pang pagbabanta ang nagpatuloy na dumating . Kinalaunan ay tinanggal na niya sa listahan ng kanyang progarama so Strauss na hindi na nagbigay ng paliwanag. Ang kanyang huling konsiyerto ay kinansel sapagkat nagsimula nang sumakit ang kanyang kanang braso. Hindi siya bumalik sa Israel hanggang 1970.
Ang violin na ginamit ni Heifetz ay ang Stradivarius at ang 1740 "ex David" Guarneri del Gesu", ang huli ay mas gusto niyang gamitin at tinugtog niya hanggang sa siyay bawian ng buhay. Ang Guarneri ngayon ay nasa San Francisco Legion of Honor museum ayon sa kalooban ni Heifetz. Ang kanyang kalooban ay nagtatakda na ang violin ay maari lamang gamitin sa "espesyal na okasyon" at ng karapatdapat lamang na manunugtog. Sa mga huling taon ay nagturo siya sa Unibersidad ng Southern California kasama ang kaibigan niyang si Gregor Piatigorsky. Namayapa siya Cedar-Sinai Medical Center sa Los Angeles, sa sakit sa puso.