Dibdib
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang dibdib ay isang bahagi ng anatomiya ng mga tao at ibang mga hayop.
Mga nilalaman |
[baguhin] Anatomiya ng dibdib: Sa mga tao at ibang mga hominidyo
Sa mga hominidyo, ang dibdib ay isang rehiyon ng katawan sa pagitan ng leeg at ng tiyan (abdomen), kasama ng mga panloob na organo nito at iba pang mga kalamnan. Malawakan itong pinagsasanggalang at sinusuporthan ng kulungang-tadyang, gulugod, at bigkis-balikat (shoulder girdle). Kabilang sa mga nilalaman ng dibdib ang mga sumusunod:
- mga organo
- puso
- baga
- mga muskulo
- mayor at menor na muskulong pektoral
- mga muskulong trapezius at leeg
- mga panloob na istruktura
- dayapram
- espopago
- trakeya
- mga arteryo at mga veins
- ayorta
- superior vena cava
- inferior vena cava
- arteryong pampulmon
- mga buto
- ang suksukan ng balikat na kinalalagyan ng pang-itaas na parte ng humerus
- eskapula
- isternum
- torakong bahagi ng gulugod
- butong pangkuwelyo o butong panleeg (collarbone o clavicle)
- kulungang-tadyang (ribcage)
- mga lumulutang na tadyang
- panlabas na istruktura
- mga utong
- mga glandulang mamarya
- tiyang torako (tiyan, bato, pankreas, apdo, at mababang esopago)
Sa mga tao, pinuprotektuhan ang bahagi ng dibdib ng kulungang-tadyang na tinatawag ding toraks.
[baguhin] Anatomiya ng dibdib sa ibang mga hayop
Sa mga insekto at ibang mga nilalang na may eksoiskeleton, ang lokasyon na katumbas ng dibdib ay tinatawag na toraks.
Sa mga mamalyang may apat na paa, ang glandulang pang-mamarya at utong ay nakalagay malapit sa mga panglikod na mga hita, at samakatuwid ay hindi bahagi ng dibdib. Sa kabaligtaran, naglalaman ang anatomiya ng mga kahalintulad na mga organong panloob na may pagkakaiba ng kumpigurasyon.
[baguhin] Kapinsalaan ng dibdib
Ang sakit at pinsala sa dibdib ay tinatawag ding trawma sa dibdib o trawmang pang-toraks o pagkakabugbog ng dibdib. [1]
[baguhin] Mga talasanggunian
- ↑ Shahani, Rohit, MD. (2005). Penetrating Chest Trauma o Tumatagos na pinsala sa dibdib. eMedicine. Retrieved 2005-02-05.
[baguhin] Tingnan din
- Puwang na pang-torako (Thoracic cavity)
- Pectus excavatum
- Pectus carinatum
- Suso
- Buhok pandibdib