Chichay
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Marso 2007) |
Maliit, nakalilibang magsalita at kulang ng ngipin ang dahilan para sumikat si Chichay bilang isa sa mga sikat na komedyante hanggang sa panahong ito dahil kakaibang tunog ng kanyang pangalan.
Siya ay isinilang noong 1922 at taliwas sa nakararami na hindi sa Sampaguita siya nag-umpisa, nakagawa muna ng 3 pelikula ang Itanong mo sa Bulaklak ng Premiere Production, ang Carmencita Mia ng PAR Pictures at Kung Sakali Ma't Sala't ng Bayani Pictures
Agad siyang pinapirma ng Sampaguita Pictures para umpisahan ng una niyang pelikula roon ang Huwag ka ng Magtampo na isnag Musikal na pinangungunahan nina Tita Duran at Pancho Magalona.
Karaniwang gampanan na niya roon ang papel ng isang katiwala o isang katulong ng mga bidang lalake o babae. Napansin din siya sa pelikulang Buhay Pilipino bilang lola ng mga tauhan.
Una niyang natikman ang maging bida katambal si Tolindoy sa Gorio at Tekla na humakot ng pere sa takilya at siya rin ang katu-katulong ni Gloria Romero na nagsisindi ng kandila para tuluyang pumuti sa Cofradia.
Hindi rin siya makakalimutan sa papel ng isang lolang nagpalaki sa kanyang apo hanggang sa magbinata ang isip-batang si Bondying.
[baguhin] Pelikula
- 1948 - Itanong mo sa Bulaklak
- 1949 - Carmencita Mia
- 1949 - Kung Sakali ma't Salat
- 1950 - Huwag ka ng Magtampo
- 1950 - Kilabot sa Makiling
- 1950 - Mga Baguio Cadets
- 1950 - Huling Patak ng Dugo
- 1950 - Kulog sa Tag-Araw
- 1951 - Anghel ng Pag-ibig
- 1952 - Rebecca
- 1952 - Barbaro
- 1952 - Madam X
- 1952 - Kerubin
- 1952 - Buhay Pilipino
- 1953 - Ang Ating Pag-ibig
- 1953 - Gorio at Tekla
- 1953 - Cofradia
- 1953 - Tulisang Pugot
- 1953 - Mister Kasintahan
- 1954 - Ukkala
- 1954 - Nagkita si Kerubin at si Tulisang Pugot
- 1954 - Ang Biyenang Hindi Tumatawa
- 1954 - Anak sa Panalangin
- 1954 - Bondying
- 1955 - Tatay na si Bondying
- 1955 - Artista
- 1955 - Uhaw sa Pag-ibig
- 1955 - Sa Dulo ng Landas
- 1955 - Waldas
- 1955 - Bim Bam Bum
- 1956 - Chavacano
- 1956 - Rodora
- 1957 - Busabos
- 1958 - Zorina
- 1958 - Ang Nobya kong Igorota
- 1959 - Handsome