See also ebooksgratis.com: no banners, no cookies, totally FREE.

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Palaro ng Timog Silangang Asya - Wikipedia

Palaro ng Timog Silangang Asya

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang opisyal na watawat ng Pederasyon ng Palaro ng Timog Silangang Asya
Ang opisyal na watawat ng Pederasyon ng Palaro ng Timog Silangang Asya

Ang Palaro ng Timog Silangang Asya (Ingles: Southeast Asian Games o SEA Games), ay isang panyayaring pang-palakasan na ginaganap bawat dalawang taon na sinasalihan ng kasalukuyang 11 mga bansa mula sa Timog-silangang Asya. Kinabibilangan ito ng iba't ibang uri ng palakasan.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Nagsimula ang Palaro ng Timog Silangang Asya mula sa Palaro ng Katangwayang Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Peninsular Games o SEAP Games). Ito ay naisip ni Laung Sukhumnaipradit, ang dating Pangalawang Pangulo ng Komiteng Olimpiko ng Thailand. Nilikha ito upang tumulong sa pagsulong ng kooperasyon, pagkakaunawaan at pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa rehiyon ng ASEAN.

Kabilang ang Thailand, Burma (Myanmar ngayon), Malaysia, Laos, Timog Vietnam at Cambodia (ibinalang ang Singapore sa kalaunan) sa mga naunang kasapi. Nagkasundo ang mga bansang ito, na ganapin ang mga palakasan bawat dalawang taon. Nabuo ang SEAP Games Federation Committee.

Naganap ang unang SEAP Games sa Bangkok mula 12-17 ng Disyembre, 1959 na binubuo ng higit sa 527 atleta at opisyal na nagmula sa Thailand, Burma, Malaysia, Singapore, Vietnam at Laos at lumahok sa 12 mga palakasan.

Kinusindera ng SEAP Federation noong ikawalong SEAP Games noong 1975 na ibilang ang Indonesia at Pilipinas. Pormal na naisali ang dalawang bansa noong 1977, ang kaparehong taon na pinalitan ng SEAP Federation ang pangalan nito ng Pederasyon ng Palaro ng Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Games Federation o SEAGF), at nakilala ang mga palaro nito sa kasalukuyan nitong pangalan. Napasama ang Brunei noong ikasampung SEA Games sa Jakarta, Indonesia, at ang Silangang Timor sa ika-22 SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Ginaganap ang ika-23 SEA Games sa Pilipinas na nagsimula noong Nobyembre 27 at natapos noong Disyembre 5, 2005. Ito ang ikatlong pagkakataon na gaganapin sa Pilipinas ang pangyayaring pampalakasan na ito.

Ang ika-24 na edisyon ng palaro ay gaganapin sa Nakhon Ratchasima sa bansang Thailand.[1]

[baguhin] Mga edisyon ng palaro

  1. Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya 1959, Bangkok, Thailand
  2. Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya 1961, Rangoon, Burma
  3. Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya 1965, Kuala Lumpur, Malaysia
  4. Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya 1967, Bangkok, Thailand
  5. Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya 1969, Rangoon, Burma
  6. Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya 1971, Kuala Lumpur, Malaysia
  7. Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya 1973, Singapore
  8. Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya 1975, Bangkok, Thailand
  9. Palaro ng Timog Silangang Asya 1977, Kuala Lumpur, Malaysia
  10. Palaro ng Timog Silangang Asya 1979, Jakarta, Indonesia
  11. Palaro ng Timog Silangang Asya 1981, Maynila, Pilipinas
  12. Palaro ng Timog Silangang Asya 1983, Singapore
  13. Palaro ng Timog Silangang Asya 1985, Bangkok, Thailand
  14. Palaro ng Timog Silangang Asya 1987, Jakarta, Indonesia
  15. Palaro ng Timog Silangang Asya 1989, Kuala Lumpur, Malaysia
  16. Palaro ng Timog Silangang Asya 1991, Maynila, Pilipinas
  17. Palaro ng Timog Silangang Asya 1993, Singapore
  18. Palaro ng Timog Silangang Asya 1995, Chiang Mai, Thailand
  19. Palaro ng Timog Silangang Asya 1997, Jakarta, Indonesia
  20. Palaro ng Timog Silangang Asya 1999, Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam
  21. Palaro ng Timog Silangang Asya 2001, Kuala Lumpur, Malaysia
  22. Palaro ng Timog Silangang Asya 2003, Hanoi at Lungsod Ho Chi Minh, Vietnam
  23. Palaro ng Timog Silangang Asya 2005, Kalakhang Maynila, Bacolod, Cebu, Subic, Tagaytay, Lungsod ng Angeles, Pilipinas
  24. Palaro ng Timog Silangang Asya 2007, Nakhon Ratchasima, Thailand
  25. Palaro ng Timog Silangang Asya 2009, Vientiane, Laos
  26. Palaro ng Timog Silangang Asya 2011, Indonesia

[baguhin] Kawing panlabas

[baguhin] Mga batayan


Palaro ng Katangwayang Timog Silangang Asya
Thailand 1959 | Burma 1961 | Cambodia 1963¹ | Malaysia 1965 | Thailand 1967
Burma 1969 | Malaysia 1971 | Singapore 1973 | Thailand 1975
Palaro ng Timog Silangang Asya
Malaysia 1977 | Indonesia 1979 | Pilipinas 1981 | Singapore 1983 | Thailand 1985
Indonesia 1987 | Malaysia 1989 | Pilipinas 1991 | Singapore 1993 | Thailand 1995
Indonesia 1997 | Brunei Darussalam 1999 | Malaysia 2001 | Vietnam 2003
Pilipinas 2005 | Thailand 2007 | Laos 2009 | Indonesia 2011 | 2013
¹Ikinansela dahil umayaw ang punong-abala.


aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -