Gautama Buddha
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Gautama Buddha (Sanskrit:गौतम बुद्ध) ay isang prinsipeng ipinanganak sa Lumbini, mula sa angkan ng mga Shakya, sa isang lugar na matatagpuan sa makabagong Nepal malapit sa hangganan ng hilagang Indya. Nanirahan siya ng halos buong buhay niya sa Hilagang Indya at aktibong nagtuturo mula noong mga 563 BCE hanggang sa tinatayaang 483 BCE.
Ipinanganak bilang Siddhartha Gautama, ipinahayag niyang siya ay naging isang Buddha (Sanskrit: "Ang Naliwanagan" o "Ang Gising") pagkatapos magmuni-muni sa paghahanap para isang espirituwal na kahulugan. Pangkalahatang tinuturing siya ng mga Budista bilang ang Kataas-taasang Buddha ng ating panahon. Kilala din siya bilang Shakyamuni o Śakyamuni ("pantas ng mga Shakya") at bilang ang Tathagata ("Siyang gayun ngang humayo").
Isang mahalagang tao si Gautama sa Budismo at naging buod ang mga tala ng kanyang mga buhay, mga rasyonalidad, at monastikong mga panununtunan pagkatapos ng kanyang kamatayan at nasaulo ng mga sangha(komunidad). Naisalin ang mga katuruan sa pamamagitan ng tradisyong oral, naitala ito sa Tripitaka matapos ang apat na daang taon. Tinuturing ng mga Hindu si Gautama bilang isang avatar ni Panginoong Vishnu.
Mga nilalaman |
[baguhin] Ang Buhay ni Buddha
Ang mga kwento ukol sa buhay ni Buddha ay nagmula sa mga kasulatan ng Buddhismo. Ang mga sumusunod ay ayon sa buod ng mga kwentong ito.
[baguhin] Pagdadalang Tao at Kapanganakan
Ayon sa tradisyon, si Buddha ay ipinanganak sa tinatayang 200 taon bago ang pamumuno ni haring Aśoka ng Maurya.
Isang gabi ay nanaginip ang kanyang inang reyna na si Māyādevī , ng isang elepanteng may anim na pangil at may ulo na gaya ng sa rubi na nagmula sa kaitastaasang kalangitan at pumasok sa kanyang kanang tagiliran. Ipinaalam naman ng walong bhramin sa kanyang ama na ang bata ay magiging banal at makakamit ang perpektong karunungan. Nang lumipas ang panahon, nagpunta ang kanyang ina sa hardin ng Lumbini kasama ang kanyang mga alalay at nagtungo sa ilalaim ng puno ng "Śālā", at ang puno naman ay yumukod na naging gabay at tanganan ng inang reyna. Tumingala ang reyna sa kalangitan at sa pagkakataong yaon ay lumabas si Siddharta sa kanyang tagiliran at pagdaka'y humakbang ng pitong beses, at sa bawat hakbang nito'y may umusbong na bulaklak ng lotus. Sa pagkakataong ito ay itinuro niya ang kanyang kanang daliri patungong langit at nagwikang hindi na siya muling ipanganganak pa at ito ang kanyang magiging huling katauhan at huhugutin niya mula sa pinaka ugat ang kadahilanan ng kapanganakan at kamatayan.
[baguhin] Pagaasawa
Si Siddhartha, na natatalaga sa isang marangyang buhay bilang isang prinsipe, ay may tatlong palasyo na pinagawa para sa kanya. Ang kanyang ama, na palaging humihiling at umaasang si Siddhartha ay magiging isang magaling na hari, ay iniwas si Siddhartha sa mga turo ng relihiyon at sa lahat ng porma ng paghihirap.
Sa pagsapit niya ng gulang na 16, inayos ng kanyang ama ang kasal niya sa kanyang pinsan na si Yasodhara. Sa paglaon ay nagkaanak sila na si, Rahula. Ginugol ni Siddhartha ang 29 na taon ng kangyang buhay sa palasyo. Kahit na sinigurado ng kanyang ama na di siya magkukulang sa kahit na anuman, naramdaman ni Siddhartha na hindi material na bagay ang nais niya sa buhay.
[baguhin] Paglisan
Sa edad na 29, umalis si Siddhartha sa palasyo upang harapin ang mga tao. Sa kabila ng pag-aalis at pagtatago hari ng mga naghihirap na tao sa mata ni Siddhartha, sinasabing nakakita pa rin si Siddhartha ng isang matandang tao. Sa kanyang pagkabagabag nang sabihin sa kanyang lahat ng tao ay tatanda katulad ng taong iyon, naglakbay pa muli si Siddhartha at dito’y nakakita ng iba’t-ibang mga tao: mga may sakit at isang nabubulok na bangkay. Tumakas ng madali si Siddhartha sa palasyo sakay ang kanyang kabayong si Kanthaka, at iniwan ang marangyang buhay upang maging mangangalakal.
Naunang pumunta si Siddhartha sa Rajagaha at sinimulan ang buhay mahirap sa pamamagitan ng paglilimos sa daan. Ngunit siya’y nakikilala ng mga ni Haring Bimbisara at inalok siya ng hari ng trono nito matapos marinig ang layunin ng paglalakbay ni Siddhartha. Ngunit tinanggihan niya ito at nagsabing pupuntahan muna ang Magadha.
Nilisan niya ang Rajagaha at nagsanay sa ilalim ng dalawang ermitanyo. Matapos makasanayan ang turo ni Alara Kalama, inalok ng pangalawa ang una na palitan na ito, ngunit lumisan agad si Siddhartha. Naging mag-aaral din siya ni Udaka Ramaputta, ngunit kahit marating na niya ang matataas na antas ng meditasyon at aluking palitan na si Udaka, nakita pa rin niya ang sarili niyang hindi kontento sa daang kangyang tinatahak kaya’t nagpatuloy na lamang siya.
Sinubukan nina Sidhhartha at ilang kasama ni Kondanna na palalain pa ang kanilang pagpipigil. Sinubukan nilang alisin ang lahat ng koneksyon nila sa material na mundo(damit, pagkain, atbp.) Matapos magpakagutom, nahulog si Siddhartha sa isang ilog habang naliligo at muntik nang malunod. Simula nito ay nagdalawang isip na si Siddhartha sa daang tinatahak niya.
TBA
[baguhin] Pagiging Buddha
TBA
[baguhin] Ang Dakilang Pagpanaw
TBA
[baguhin] Ugali at Pagkatao
TBA
[baguhin] Kaanyuan
TBA
[baguhin] Katuruan
TBA
[baguhin] Si Buddha sa pananaw ng ibang relihiyon
TBA
[baguhin] Hinduismo
TBA
[baguhin] Kristyanismo at Hudaismo
TBA TBA
[baguhin] Islam
TBA
[baguhin] Thelema
TBA