Ekwador
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Para sa bansa sa Timog Amerika, tingnan ang Ecuador.
Ang ekwador o equator ay isang kathang-isip na bilog na ginuguhit sa palibot ng isang planeta (o ibang astronomikal na bagay) sa layong kalahati sa pagitan ng mga dulo ng mundo (pole). Hinahati ng ekwador ang planeta sa Hilagang Hemisperyo at Katimogang Hemisperyo. Ang latitud ng ekwador ay, sa kahulugan, 0°. Nasa 40,075.0 km, o 24,901.5 milya ang haba ng ekwador ng daigdig.