Web Analytics

See also ebooksgratis.com: no banners, no cookies, totally FREE.

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Uri - Wikipedia

Uri

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Para sa ibang gamit, silipin ang Uri (paglilinaw).
Ang pagkakasunud-sunod (hirarkiya) ng pagpapangkat na maka-agham.  Naglalaman ang sari ng isa o maraming mga uri.  Hindi ipinakikita rito ang mga kahanayang nasa gitna (mga kasari).
Ang pagkakasunud-sunod (hirarkiya) ng pagpapangkat na maka-agham. Naglalaman ang sari ng isa o maraming mga uri. Hindi ipinakikita rito ang mga kahanayang nasa gitna (mga kasari).

Sa larangan ng biyolohiya, ang uri[1] (species)[1] ay isa sa mga pinakapayak na pangkat sa kahanayang para sa mga nilikhang may-buhay at isang antas ng pagkakapangkat-pangkat. Kadalasang ipinakakahulugan na isa itong lipon ng mga organismo na may kakayahang makipagtalik sa isang kalahi at nakapagsisilang ng supling na maaari ring magka-anak. Bagaman sapat na ang kahulugang ito para sa karamihan ng mga kaso, mayroong mas tumpak at naiibang pamamaraan na madalas ding gamitin, katulad ng paghahambing kung magkatulad ang mga pagsusuri ng DNA o morpolohiya. Maaari pa ring mahati ang mga uri sa mga subespesye ayon sa pagkakaroon ng mga tiyakan, mapantukoy, at namanang katutubong katangian.

Kung minsan, ang mga pangalan na pangkaraniwang ginagamit para sa mga halaman at hayop ay umaayon sa mga uri nito: halimbawa na ang “liyon”, “kambing”, at “puno ng mangga, na mga katawagang tumutukoy sa mga uri. Sa ibang mga kaso, ang mga pangalan ay hindi tumutukoy sa mga uri: katulad ng “usa” na tumutukoy sa pamilyang may 34 na mga uri, katulad ng usa ni Eld, pulang usa, at wapiti (isang elk). Dating itinuturing na nakapaloob sa iisang uri ang dalawang huli, na nagpapakita lamang na maaaring mabago ang hangganan ng pag-uuri sa pamamagitan ng mga karagdagang kaalamang pang-agham.

Inilalagay ang bawat uri sa loob ng isang sari (genus). Isa itong pagpapalagay (hipotesis) na ang isang uri ay higit na mas malapit sa iba pang mga uri sa loob ng kaniyang sariling sari kung ihahambing sa uri ng ibang sari. Binigyan ng dalawahang pangalan ang lahat ng mga uri na nalalangkapan ng pangalangang pampamilya at tiyakang pangalan. Halimbawa na ang “Tilapiine cichlid” (na karaniwang tinatawag na “tilapya”).

[baguhin] Kahalagahan

Mahalaga ang pagkakaroon ng magagamit na kahulugan ng salitang “uri” at maging mga mapanghahawakang mga paraan ng pagkilala sa partikular na uri, upang masabi at masubukan ang mga kuru-kuro (teorya) at para rin masukat ang pagkakaiba-iba ng mga nilikhang may-buhay.

Nakaugalian na nararapat lamang na pag-aralan ang mga magkakatulad na katangian ng maraming mga halimbawa ng minumungkahing uri bago ituring na ang mga ito ay kabilang nga sa nag-iisang uri lamang. Sa pangkalahatang pananaw, mahirap bigyan ng kahanayang pampangkat ang mga uring nawala na sa mundo at nakikilala lamang dahil sa kanilang mga bakas. Maaaring gamitin ang dalawahang pangalan para sa mga uring nailarawan na ng mga pamamaraang maka-agham.

Subalit, ayon kay Charles Darwin:

Itinuturing ko ang salitang uri bilang isang paghuhusgang itinakda - para sa kapakanang pangkaginhawahan ng humuhusga - upang mapagsama-sama ang mga nilikhang lubhang magkakamukha… wala itong sapat na pagkakaiba mula sa salitang sari, na itinakda para sa mga wangis na walang tiyak na pagkakakilanlan at mas pabagubago. Ang salitang sari, bilang muling paghahambing sa kaibahan ng nag-iisang nilikha, ay ginagamit din ayon sa makahusgang pananaw, at para lamang sa kapakanang nakagiginhawa.[2]

Dahil sa mga kahirapan sa pagbibigay ng kahulugan at maging sa pagsusuma ng kabuuang bilang ng iba’t ibang mga uri, tinataya na may 2 hanggang 100 milyong iba’t ibang mga uri sa buong mundo.[3]

[baguhin] Dalawahang pangalan

Pangunahing artikulo: Dalawahang pangalan

Sa klasipikasyong maka-agham, binigyan ng pangalawang may dalawang bahagi ang isang uri, na itinuturing na Latin, bagaman magagamit ang mga salitang-ugat mula sa kahit-anumang wika, maging ang mga pangalang katutubo at ng mismong mga nilikha. Una munang isinusulat ang sari (genus) – na ginagamit ang malaking anyong pang-alpabeto para sa pinakaunang titik ng pangalan – at susundan ng pangalawang pangalan nito: halimbawa, ang mga kulay-abong mga lobo ay kabilang sa mga uring Canis lupus, ang mga coyote sa Canis latrans, ang mga ginintuang jackal sa Canis aureus, at iba pa; at lahat ng mga kabilang sa saring Canis (na naglalaman din ng marami pang ibang mga uri).

Ang pangalan ng uri ay ang kabuuan ng dalawahang pangalan, hindi lamang ang pangalawang salita (na matatawag din bilang partikular o tiyak na pangalan para sa mga hayop.

Kung minsan, sa mga aklat at mga lathalain na nasa wikang Ingles, sadyang hindi lubos na binabanggit, at gumagamit lamang ng pinaiksing pangalang “sp.” (pang-isahan ng species) o “spp.” (pangmaramihan) bilang kapalit ng partikular na pangalan ng organismo: halimbawa, “Canis” sp. Karaniwang nagaganap ito sa mga sumusunod na mga pangyayari:

  • Naniniwala ang mga may-akda na kabilang ang ilan sa mga indibidwal sa isang partikular na sari subalit hindi sigurado kung ano ang tumpak na uri talaga kabilang ang mga ito. Pangkaraniwaan na ito sa larangan ng paleontolohiya.
  • Ginagamit ng mga may-akda ang “spp.” bilang isang maikling paraan ng pagsasabi na mayroong magagamit para sa maraming mga uri sa loob ng isang sari, ngunit hindi nila ibig sabihin na magagamit ito sa lahat ng mga uring nasa loob ng saring tinutukoy. Ginagamit ng mga siyentipiko ang pangalan ng sari - na hindi binabanggit ang partikular na pangalan – kung ibig ipabatid ng dalubhasa na ang pangalan ay maaaring gamitin para sa lahat ng mga uring nasa loob ng isang sari.

Sa mga libro at artikulong gumagamit ng alpabetong Latino, kadalasang nakahilig (italiko) ang pagkakalimbag ng mga pangalan ng sari at uri. Ngunit kapag ginagamit ang “sp.” at “spp.”, hindi nakahilig ang mga ito.

Ang gawaing paggamit ng dalawahang pangalan – na nang lumaon ay naging opisyal na kodigo ng pagpapangalan – ay unang ginamit ni Leonhart Fuchs at ipinakilala bilang isang patakaran ni Carolus Linnaeus sa kaniyang isinaunang akdang Systema Naturae o “Pamamaraang Likas” (ika-sampung labas) noong 1758. Bilang bunga, minsan itong tinatawag na “nomenklaturang binomyal” (pagpapangalang binomyal).

Noong mga panahong iyon, ang pangunahing pagpapalagay na maka-biyolohiya (teoryang biyolohiko) ay ito: na kinakatawan ng bawat uri ang magkakahiwalay na mga gawa ng Diyos, at samakatuwid ay itinuturing na katotohanang hindi matututulan at hindi mababago.

[baguhin] Mga talasanggunian

Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa English Wikipedia. Sa wikang Ingles, ang katumbas na artikulo ay pinamagatang:
  1. 1.0 1.1 "Uri at Species (bilang 16/pahina 1545)". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. Charles Darwin 1988 (1859) On the Origin of Species (Hinggil sa Pinagmulan ng mga Uri) na nanggaling sa The Works of Charles Darwin (Ang mga Gawa ni Charles Darwin), nasa wikang Ingles, pinatnugutan nina Paul H. Barrett at R. B. Freeman, Cambridge: Palimbagan ng Pamantasan ng Cambridge, aklat bilang 15, pahina 39
  3. Just How Many Species Are There, Anyway? (Ilan nga Ba Talaga ang Bilang ng mga Uri?), 2003-05-26, <http://www.sciencedaily.com/releases/2003/05/030526103731.htm>. Hinango noong 2008-01-15


Static Wikipedia (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2007 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2006 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu

Static Wikipedia February 2008 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu