Teks
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Para sa ibang gamit, silipin ang Teks (paglilinaw).
Ang teks ay isang popular na laro ng mga batang Pilipino. Kinukulekta ang mga maliliit na barahang ito ng mga bata sapagkat mayroon itong mga iginuhit na mga larawang pang-komiks na may mga lobo o ulap ng diyalogo, panandang nagsasalita ang mga karakter na nakalarawan sa barahang teks. Nilalaro ito sa pamamagitan ng paghagis o pag-itsa ng ilang mga baraha sa ere hanggang sa bumagsak sa lupa. Naaangkin ng panalong manlalaro ang baraha ng kalaban ayon sa kung paano lumpagpak ang barahan sa lupa. Ilan sa mga terminong ginagamit sa laro ang mga sumusunod: Tsub, tsa, tagilid at akeyn. Tsub ang tawag sa barahang nakadapa, tsa naman ang nakatihaya o litaw ang mukhang may guhit na larawan, at tagilid kung hindi matukoy o alanganin kung nakatihaya nga o nakadapa ito. Sumisigaw ng Akeyn! (mula sa salitang akin) ang nanalo.[1]