Web Analytics

See also ebooksgratis.com: no banners, no cookies, totally FREE.

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Tamaraw - Wikipedia

Tamaraw

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tamaraw

Katayuan ng pagpapanatili

Critically endangered (IUCN)
Pag-uuring pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Artiodactyla
Pamilya: Bovidae
Subpamilya: Bovinae
Sari: Bubalus
Uri: B. mindorensis
Pangalang dalawahan
Bubalus mindorensis
(Heude, 1888)
Range map in green
Range map in green

Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; dati'y Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae[1] na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan,(2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, may iilan lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya nanganganib na ngayon ito.[2]

Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V.[3] Ito ang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa.

Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang Piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990.

Mga nilalaman

[baguhin] Anatomiya at morpolohiya

May anyong pangkaraniwan sa pamilyang kinabibilangan nito ang Bubalus mindorensis. May siksik, mabigat na kayarian, wangis-bakang katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga unguladong paa at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (Bubalus bubalis). Maliit lamang ang pagkakaroon ng dimorpismong sekswal sa uri bagaman naipahayag na may makakapal na mga leeg ang mga lalaki.[4] May karaniwang taas na 100 hanggang 105 sentimetro ang balikat ng tamaraw. 220 sentimetro ang haba ng katawan habang 60 sentimetro ang buntot. Nasa pagitan ng 200 hanggang 300 kilogramo ang timbang ng mga babae. May madilim na pagkakayumanggi hanggang abuhing kulay ang mga nasa hustong gulang na mga tamaraw at may mabuhok kaysa Bubalus bubalis. Maiikli at matipuno ang mga paa. May makikitang mga mapuputing mga marka sa mga ungguladong paa at sa loob ng mga pang-ibabang binti. Katulad ng sa Anoa Bubalus depressicornis ang mga palatandaang ito. Magkatulad ng kulay ang mukha at katawan. Karamihan sa mga kasapi ng sari ang mayroon magkatambal na mga abuhing-puting guhit na nagsisimula mula sa panloob na sulok ng mata hanggang sa mga sungay. May maitim na balat ang ilong at mga labi. May habang 13.5 sentimetro ang mga tainga na may mapuputing marka sa mga loob.

Kapwa nagkakaroon ng maiikling maiitim na mga sungay ang mga lalaki at babae, na sumusunod sa hugis ng titik na V, kung ikukumpara sa hugis C na mga sungay ng Bubalus bubalis. Mga lapad na kapatagan ang mga sungay at tatlusok ang hugis sa pinakapuno. Dahil sa palagian pagkiskis, may gasgas ang panlabas na anyo ang mga sungay ng tamaraw ngunit may magaspang na panloob na mga gilid. Sinasabing may habang mga 35.5 hanggang 51.0 sentimetro ang mga sungay.[5]

[baguhin] Pamamahagi

Unang naitala ang tamawa noong 1888 sa pulo ng Mindoro. Bago sumapit ang 1900, walang naninirahan sa Mindoro dahil sa malaria. Subalit nang malikha ang mga gamot laban sa malaria, mas maraming mga mamamayan ang nanirahan sa pulo. Lubhang nakapagpababa sa bilang ng mga tamaraw ang pagtaas na gawaing ito ng mga tao.

Pagdating ng 1966, naging tatlong pook na lamang ang nasasakupan ng tamaraw: Bundok Iglit, Bundok Calavite at iba pang mga lugar na malapit sa Pamayanang Penal ng Sablayon. Noong 2000, mas lalong nabawasan ang kanilang nasasakupan sa dalawang pook: ang mga Liwasang Pambansa ng Bundok Iglit-Baco at Aruyan.[6]

Noong mga unang panahon ng mga dekada ng 1900, nasa 10,000 mga indibidwal ang unang mga tayang bilang ng Bubalus mindorensis sa Mindoro. Makalipas ang may mga limampung taon pagkatapos, bumaba ang populasyon sa may mga sanlibong indibidwal. Noong 1953, kulang sa 250 mga hayop ang tinatayang nabubuhay pa.[7] Lumiit pa ang mga tayang bilang na ito hanggang sa paglalathala ng IUCN ng kanilang 1969 Red Data Book (Aklat ng Pulang Data ng 1969), kung saan itinala na ang bilang ng tamaraw sa nakababahalang bilang na mababa sa 100 mga ulo.[8] Tumaas ang bilang ng ulong ito sa 120 mga hayop noong 1975.[9] Nilalagay mula sa mga tatlumpo hanggang dalawandaang indibidwal ang kasalukuyang tayang bilang ng mga tamaraw na nasa kalikasan.[2]

[baguhin] Ekolohiya at kasaysayan ng buhay

Bilang isang bihira at endemikong mamalya na nasa isang pulong tila nahihiwalay at malayo, hindi gaanong malaki ang gawaing pagaaral at pagtatala hinggil sa ekolohiya ng tamaraw. Malaking dahilan nito ang katotohanang palatago at mahiyain sa tao ang mga indibidwal na kasapi ng uri. Bilang karagdagan, ang mga maliliit na bilang ng subpopulasyon ng uri, na manipis na ang pagkakakalat sa kabuoan ng nahahating mga nasasakupan (noong 1986, may natagpuang mga 51 indibidwal sa loob ng isang 20 kilometrong-parisukat na pook),[10] ang nakapagpapahirap at nakapagpapabihira pa sa maaaring pagkakatagpo ng higit man sa isang nag-iisang indibidwal.

[baguhin] Tirahan

Ibig ng Bubalus mindorensis ang manirahan sa mga lugar na tropikal, mataas at magubat. Karaniwan itong matatagpuan sa mga makakapal na talahiban o palumpungan na malapit sa mga bukas ngunit nasisilungang mga damuhan kung saan maaari itong manginain ng damo. Dahil sa mga tirahan ng mga tao at ang mga sumusunod na mga hati-hating kagubatan sa kanilang tahanang pulo sa Mindoro, ang ginugustong tirahan ng tamaraw ay tila lumawak sa mga mas mababang kapatagang may damo. Sa loob ng kanilang bulubunduking kapaligiran, kadalasang matatagpuan ang mga tamaraw hindi malayo sa mga pinagkukunan ng tubig.[2][6]

[baguhin] Ekolohiya ng panginginain (ekolohiyang trophiko)

Ang tamaraw ay isang tagapanginain ng mga damo at mga murang usbong ng mga kawayan bagaman kilala ito bilang mahilig sa damong kogon at talahib (Saccharum spontaneum). Likas silang mga organismong diurnal, na nanginginain tuwing sa mga oras na may liwanag. Subalit, kamakailan lamang ang mga gawain ng mga tao ang nakapuwersa sa mga piling indibidwal na B. mindorensis na maging mga nokturnal upang maiwasan ang mga tao.[3]

[baguhin] Kasaysayan ng buhay

Nalalaman na ang tamaraw ay nabubuhay na umaabot sa may 20 mga tao na tinatayang may haba ng buhay na 300  araw matapos ipagdalang-hayop sa loop ng sinapupunan.[11] Mayroong dalawang taong pagitan sa bawat pagluluwal bagaman napagmasdang ang isang babaeng tamaraw na may tatlong batang mga supling. Namumuhay na kasama ng kaniyang ina ang batang baka sa loob ng mga 2-4 taon at namumuhay nang mag-isa pagkatapos.[3]

[baguhin] Mga talasanggunian

  1. Bubalus mindorensis (TSN 625123). Integrated Taxonomic Information System. Hinango noong Marso 17 2007.
  2. 2.0 2.1 2.2 IUCN2006
  3. 3.0 3.1 3.2 Fuentes, Art (2005-02-21). The Tamaraw: Mindoro's endangered treasure. Haribon. Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources. Nakuha noong 2007-03-17.
  4. Tamaraw bubalus mindorensis Heude, 1888. wildcattleconservation.org. Nakuha noong 2007-07-12.
  5. Huffman, Brent (Enero 2, 2007). Bubalus mindorensis: Tamaraw. (html) www.ultimateungulate.com. Ultimate Ungulate.com. Nakuha noong Marso 17, 2007.
  6. 6.0 6.1 Massicot, Paul (Marso 5, 2005). Impormasyon ng Hayop - Tamaraw. (htm) Animal Info. Nakuha noong Marso 18, 2007.
  7. Kuehn, David W. (1977). "Increase in the tamaraw". Oryx 13: 453 pp.. ISSN: 0030-6053 / EISSN: 1365-3008.
  8. International Union for the Conservation of Nature and Natural Resources (1969). 1969 IUCN 1969 Red Data Book. Vol. 1 - Mammalia. Morges, Switzerland: IUCN. 
  9. (1989) "Major effort to save the tamaraw". Oryx 23: 126 pp.. ISSN: 0030-6053 / EISSN: 1365-3008.
  10. Nowak, Ronald M. (1999). Walker's Mammals of the World. JHU Press, 1149. ISBN 0801857899. 
  11. Ageing, longevity, and life history of Bubalus mindorensis. Tiningnan noong Marso 5, 2007

[baguhin] Bibliyograpiya

  • Bubalus mindorensis (TSN 625123). Integrated Taxonomic Information System. Hinango noong 17 March 2007.
  • Callo, R. A. (1991). "The tamaraw population: decreasing or increasing?". Canopy International 16 (4): 4-9.
  • Custodio, Carlo C.; Myrissa V. Lepiten, Lawrence R. Heaney (1996-05-17). "Bubalus mindorensis". Mammalian Species 520: 1-5. doi:10.2307/3504276.
  • Gesch, P. (2004). Bubalus mindorensis. (html) Animal Diversity Web. University of Michigan Museum of Zoology. Nakuha noong 2007-03-17.
  • Heaney, L. R.; J. C. Regalado, Jr. (1998). Vanishing treasures of the Philippine rain forest. Chicago, Illinois: Field Museum, Chicago. 
  • Momongan, V. G.; G. I. Walde (1993). "Behavior of the endangered tamaraw (Bubalus mindorensis huede) in captivity". Asia Life Sciences 2 (2): 241-350.

[baguhin] Mga panlabas na kawing

Commons
May karagdagang midiya ang Wikimedia Commons na may kaugnayan sa/kay:
Ang Wikispecies ay may kaalamang may kaugnayan sa :

[baguhin] Silipin din

  • Bubalus bubalis, ang buffalong pantubig
  • Mindoro

Static Wikipedia (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2007 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2006 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu

Static Wikipedia February 2008 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu