Politika sa Pilipinas
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Pebrero 2008) |
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Pebrero 2008) |
Ang Pamahalaang Pambansa o sangay Tagapagpaganap ng ating bansa ay binubuo ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, at ng mga kagawad ng Gabinete na binubuo ng iba’t-ibang kagawaran.
[baguhin] Mga Kailangan sa Pagiging Pangulo
Ang mga sumusunod ang kailangan upang maging Pangulo ng Pilipinas.
1. Siya ay isang Pilipino
2. Isang rehistradong botante
3. Nakababasa at nakasusulat
4. 40 taong gulang sa araw ng halalan
5. Isang residente ng Pilipinas sa loob ng 10 taon bago mag-hahalan. Naninirahan ang Pangulo sa Malakanyang. Siya ay nagtatagal bilang pangulo sa loob ng 6 taon. Bago magsilbi ang Pangulo, siya ay nanunumpa sa kanyang tungkulin.
[baguhin] Mga Tungkulin at Kapangyarihan ng Pangulo
Ang mga sumusunod ay ang mg tungkulin ng pangulo.
1. Ipapatupad niya ang mga batas sa bansa.
2. Maari siyang magpanukala ng batas sa kongreso.
3. Magsusumite siya ng panukalang badyet.
4. Humihirang siya ng mga opisyal ng bansa at opisyal ng militar.
5. Tinitiyak niya ang patakarang pandayuhan.
6. Maari siyang makipagsundo sa pag-utang sa ibang bansa
7. Maari siyang maggawad ng kapatawaran sa mga nagkasala sa bansa.
8. Siya ang punong tagaatas ng Sandatahang Lakas.
[baguhin] Ang Pangalawang Pangulo
Ang pangalawang pangulo ay ang katulong ng pangulo kung wala siya.
Maari siyang hingarin bilang kagawad ng gabinete.