Nemesio E. Caravana
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pinagdududahan ang kawalan ng kinikilingan ng artikulong ito. Mangyaring tignan ang usapan. (Marso 2007) |
Si Nemesio E. Caravana ay isang Pilipinong direktor. Isa sa ipinagkakapuri at nirerespetong direktor pagkatapos ng digmaan. Isinilang siya noong 1913 at gumanap sa mga pelikula bilang aktor at hindi bilang direktor.
Ilan sa mga ginanapan niyang pelikula ay ang Florante at Laura ni Lila Luna ng Salumbides Co Ltd, ang Magbalik ka, Hirang ng Sampaguita Pictures at ang sikat noon na Musikal ang Krisantemo ng Salumbides Pictures.
Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasunod dito ay pinagkatiwala sa kanya ng LVN Pictures ang una niyang pelikula ang Kaaway ng Babae kung saan tumabo sa takilya.
Taong 1953 ng bitawan siya ng LVN at halos naka walong pelikula siya sa naturang kompanya ng lumipat siya sa Premiere Productions at gumawa ng dalawang pelikula ang Kapitan Berong at ang Carlos Trece na parehong 1953 pelikula.
Doon na siya napako at gumawa ng maraming pelikula kasama na dito sa mga kapatid na kompanya ng Premiere ang People's Pictures at ang Larry Santiago Productions.
[baguhin] Pelikula
- 1939 - Florante at Laura
- 1940 - Magbalik ka, Hirang
- 1940 - Krisantemo
- 1948 - Kaaway ng Babae
- 1949 - Maria Beles
- 1949 - Kuba sa Quiapo
- 1949 - Virginia
- 1950 - Dayang-Dayang
- 1950 - Sohrab at Rustum
- 1951 - David at Goliath
- 1953 - Maria Mercedes
- 1953 - Carlos Trece
- 1953 - Siga-Siga
- 1953 - Kapitan Berong
- 1954 - Ri-Gi-Ding
- 1954 - Ander De Saya
- 1955 - Minera
- 1955 - Ha Cha Cha
- 1955 - El Jugador
- 1955 - Magia Blanca
- 1956 - Prinsipe Villarba
- 1957 - Pabo Real
- 1957 - Prinsipe Alejandre
- 1958 - Batang Piyer
- 1958 - May Pasikat ba sa Kano?
- 1958 - Ramadal
- 1958 - Wanted: Husband