Maria Makiling
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sa alamat ng Pilipinas, si Maria Makiling ay isang diwata na nagbabantay ng Bundok Makiling, isang bundok na matatagpuan sa Los Baños, Laguna. Nilalarawan siya bilang isang magandang dalaga na may mahabang buhok at kulay kayumangging kaligatan.
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga kuwento
Maraming kwento ang nagsasaad ng kanyang kabutihan at maging ng kanyang kalupitan. Siya ay matulungin sa mga tao, at nagbibiyaya ng masaganang ani at huli ng isda. Subalit ang mga tao ay nagmamalabis at nagiging pabaya sa kanyang mga ibinibigay kaya siya ay nagpapataw ng parusa. Ilan sa kwento tungkol sa kanya ay ang mga sumusunod:
- Luya na nagiging ginto
- Tatlong manliligaw[1].Si Kapitan Lara, isang Kastilang kawal, si Joselito, isang Kastilang mestizo at si Juan, isang magsasaka.
- Alamat ng Lansones
[baguhin] Mga Sabi-sabi
May mga nagsasabing nililigaw ni Maria Makiling ang mga taong nagkakalat sa kanyang bundok. Makikita lamang nila ang tamang daan kung nilinis nila ang kanilang kalat.