Lungsod ng Santa Rosa
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lokasyon | |
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Santa Rosa. | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | CALABARZON (Region IV-A) |
Lalawigan | Laguna |
Distrito | Unang Distrito ng Laguna |
Mga barangay | 18 |
Kaurian ng kita: | Primera Klase; urban |
Alkalde | Arlene Arcillas-Nazareno (Lakas-CMD) (2007-2010) |
Pagkatatag | {{{founded}}} |
Naging lungsod | Hulyo 10, 2004 |
Opisyal na websayt | www.santarosacity.gov.ph |
Mga pisikal na katangian | |
Lawak | 39.10 km² |
Populasyon | 185,633 4,748/km² |
Mga coordinate | 14°19'N 14°3'E |
Ang Lungsod ng Santa Rosa ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ang lungsod ay may matatagpuan 38 kilometro sa timog na Maynila, sa pamamagitan ng South Luzon Expressway, kaya ang lungsod ay naging pamayanang suburban resendensyal ng Kalakhang Maynila. Ang tahimik na bayan na ito ng Laguna ay nagsimulang umunlad nang maitatag ang Filsyn, CIGI at iba pang maliliit na multinasyonal na mga kumpanya na nasa labas ng Maynila. Ayon sa senso noong 2000, ang Lungsod ng Santa Rosa ay may populasyon na 185,633 ngunit noong 2005, nalampasan nito ang Lungsod ng San Pablo kung pagbabatayan ang populasyon, at naging pang-apat na pinakamalaking lungsod/bayan pagkatapos ng Calamba, San Pedro, at ng Biñan.
Hanggang sa mga taon nakalipas, ang Santa Rosa ay dating kilala dahil sa Coca-Cola at Toyota na may mga malalaking planta sa mga liwasang pang-industriya dito. Nakikilala na rin ang lungsod na ito dahil sa pagkakatayo ng Enchanted Kingdom, at sa mga ginagawang mga pabahay. Ang Santa Rosa ay may labasan din para sa mga manlalakbay na tutungo sa Tagaytay sa pamamagitan ng South Luzon Expressway.
Dumarami na rin ang mga planta ng mga sasakyan sa lungsod, tulad ng Ford Motor Company na gumagawa ng Ford Lynx, Ford Focus, Mazda 3, Ford Escape, at Mazda Tribute at nagtitinda ng Ford Ranger, Ford Everest & Mazda6. Ang iba pang kumpanya ay Nissan Motors Co., Ltd., Toyota Motor Corporation, Honda Motor Co., Ltd., Isuzu Motors Ltd. at Mitsubishi.
Ang Santa Rosa ay ikalawa sa mga bayan at lungsod sa Katimugang Luzon na nagkaroon ng parehong SM Mall at Robinson pagkatapos ng Dasmariñas, Cavite Dasmariñas sa Cavite. Ang Santa Rosa ay nagin lungsod sa pagpipirma ng Republic Act No. 9264, na na-ratified ng mga tao ng Santa Rosa noong Hulyo 10, 2004.
[baguhin] Barangay
Ang Lungsod ng Santa Rosa ay pulitikal na nahahati sa 18 barangay.
|
|
[baguhin] Kawing Panlabas
- City of Santa Rosa Official Website
- Philippine Standard Geographic Code
- 2000 Philippine Census Information
Lalawigan ng Laguna | ||
Lungsod | Lungsod ng Calamba | Lungsod ng San Pablo | Lungsod ng Santa Rosa | |
---|---|---|
Bayan | Alaminos | Bay | Biñan | Cabuyao | Calauan | Cavinti | Famy | Kalayaan | Liliw | Los Baños | Luisiana | Lumban | Mabitac | Magdalena | Majayjay | Nagcarlan | Paete | Pagsanjan | Pakil | Pangil | Pila | Rizal | San Pedro | Santa Cruz | Santa Maria | Siniloan | Victoria | |
Distrito | Unang Distrito (Kanluran) | Ikalawang Distrito (Central) | Ikatlong Distrito (Timog Silangan) | Ikaapat na Distrito (Hilaga Silangan) | |
Special Zones | Canlubang Industrial Zone | Makiling Forest Reserve | Los Baños Science and Nature City of the Philippines | Tignan | Baguhin |