Lalawigan
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang lalawigan (maaari ring probinsya) ay isang teritoryo, na kadalasang kumakatawan sa mga teritoryo ng isang bansa.
[baguhin] Mga Lalawigang Romano
Ang salita ay natagpuan sa Ingles noong c.1330, na nagmula sa Lumang Pranses province (Ika-13 Dantaon), na nagmula sa salitang Romano na provincia, na tumutukoy sa mga gawain kung saan ang isang mahistrado ay nakatalaga na gawin ang kanyang otoridad; partikular, sa mga teritoryong banyaga.
Ang maaaring pinagmulan nito sa Latin ay mula sa pro- ("bilang kabahagi ng") and vincere) {sa tagumpay/sa pangangasiwa)"). Kaya ang isang lalawigan ay isang teritoryo o gawain ng isang Mahistradong Romano na nangangasiwa bilang kabahagi ng kanyang pamahalaan. Subalit ito ay hindi katulad sa unang gamit na Latin bilang pangkahalatang termino para sa hurisdiksyon sa ilalim ng Batas Romano.
Ang Emperyong Romano ay nahahati sa mga lalawigan.
[baguhin] Mga lalawigan sa Makabagong mga Bansa
Sa maraming mga bansa, ang isang lalawigan ay isang maliit na antas ng pambansang pamahalaan (tulad ng mga county sa mga bansang Ingles ang sinasalita).
Sa iba ito ay isang antas otonomiya ng pamahalaan at kabahagi ng pederasyon o konpederasyon, na kadalasang may malaking sakop na lugar (tulad ng mga estado ng E.U). Sa Pransya, at Tsina, ang mga lalawigan ay isang rehiyong sub-nasyonal na nakapaloob sa isang estadong unitaryo. Ito ay nangangahulugang na ang lalawigan ay maaaring alisin o buuin ng pambansang pamahalaan.
Bilang halimbawa, ang lalawigan ay isalng yunit na lokal ng pamahalaan ng Belgium, Espanya, at Italya.
Ang mga lalawigan ay mayroon din ibang pangalan sa ibang mga bansa:
- Departement: Pransya
- Canton: Switzerland
- State: Estados Unidos, Mexico, Australia
- Bundesland: Alemanya and Austria
- Voivodship: Poland
- Estados: Venezuela
- County: United Kingdom
- Suba: Pakistan
- Pradesh: India
Ang Departements ay kadalasang may kakaunting kapangyarihan kaysa sa mga lalawigan. Ang mga maliliit na bansa tulad ng Singapore ay hindi na hinati.