Jennylyn Mercado
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jennylyn Mercado | |
---|---|
Kapanganakan | Mayo 15, 1987 |
Si Jennylyn Mercado ay isang artista sa Pilipinas. Nakilala siya pagkatapos manalo sa unang season ng StarStruck, isang reality show ng GMA Network na naghahanap ng mga bagong artista sa Pilipinas.
Mga nilalaman |
[baguhin] Bago ang pagpasok sa show business
Nagtrabaho ang nanay ni Mercado sa Dubai at iniwan sa pag-iingat ng kanyang amain. Ngunit naging biktima siya ng pag-aabuso noong bata siya sapagkat palagi siyang binubugbog ng kanyang amain. Naiulat pa nga ang pang-aabuso na ito sa mga pahayagan sa Pilipinas noong Mayo 4, 1991. Nabilanggo ang kanyang amain dahil dito, ngunit nakalabas din dahil sa pyansya ng kanyang ina.
Nanirahan na sa London ang kanyang ina at may sarili nang pamilya. Dahil dito, inampon siya ni Lydia Mercado, ang kanyang tiyahin. Naisa-drama ang bahaging ng kanyang buhay sa programang Magpakailanman, isang palabas ng GMA Network.
Dahil sa kanyang karanasan sa pagiging naaabusong bata, sinusubukan niyang magsimula ng isang foundation na tumutulong sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
[baguhin] Karera sa pag-arte at pag-awit
Pagkatapos manalo sa StarStruck, lumabas siya sa iba't ibang palabas sa telebisyon, pelikula, at nagkaroon din ng album. Isa sa mga natatangi niyang pagganap ang karakter na Milagros/Lira sa programang Encantadia.
Nitala sa #9 (2004), #10 (2005) #6 (2006) at #8 (2007) si Mercado sa FHM Philippines 100 Sexiest Women in the World.
[baguhin] Telebisyon
- Kaputol ng isang Awit(2008)
- La Vendetta (2007-present)
- Super Twins (2007)
- I Luv NY (2006)
- Love to Love Season 9 (2005)
- Encantadia (2005)
- Love to Love Season 7: Love ko Urok (2005)
- SOP Gigsters (2005-present)
- Joyride (2004)
- Forever in my Heart (2004)
- Click Barkada Hunt (2004)
- Click (2004)
- SOP (2004-present)
- Love to Love Season 3: Duet for love (2004)
- Stage 1: The StarStruck Playhouse (2004)
- StarStruck (2003)
- Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin (2003)
- Kay Tagal Kang Hinintay (2003)
[baguhin] Pelikula
- Half Blood Samurai (2008)
- Resiklo (2007)
- Tiyanaks (2007)
- Angels: Angel of Love (2007)
- Eternity (2006)
- SuperNoypi (2006)
- Blue Moon (2005)
- Lovestruck (2005)
- Say That You Love Me (2005)
- Let the Love Begin (2005)
- So... Happy Together (2004)
[baguhin] Allbum
- Living the Dream (2004)
- Letting Go (2006)
- Kahit Sandali: The Best of Jennylyn Mercado (2008)
[baguhin] Mga Parangal
- 2004 Breakthrough Artist sa SOP Music Awards at CandyMag Awards.
- Binoto bilang Most Popular Female Young Star and Most Popular Loveteam (kasama si Mark Herras) sa 2004 YesMag Reader's Choice Awards.
- Pinangaralan sa 2004 Guillermo para sa Most Popular Loveteam of RP Movies
- 2005 Awit Awards winner para sa Best Performance by a Duet, para sa awiting, "If I'm Not In Love With You" kasama si Janno Gibbs na mula sa kanyang unang album na Living the Dream.