Ferdinand Marcos
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kinakailangang isulat muli ang artikulong ito. Pag-usapan ang mga pagbabago sa pahina ng usapan. |
Pinagdududahan ang kawalan ng kinikilingan ng artikulong ito. Mangyaring tignan ang usapan. (Pebrero 2008) |
Ang artikulong ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o pinagmulan. (Abril 2008) Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga makakatiwalaang pinagmulan. Ang hindi matiyak na nilalaman ay maaaring mapagdudahan at matanggal. |
Ferdinand E. Marcos | |
Ikasampung Pangulo ng Pilipinas
Ika-anim na Pangulo ng Ikatlong Republika Unang Pangulo ng Ika-apat na Republika |
|
---|---|
Nanilbihan Disyembre 30, 1965 – Pebrero 25, 1986 |
|
Punong Ministro | Cesar Virata (1981-1986) |
Pangalawang Pangulo | Fernando Lopez (1965-1973) Arturo Tolentino (1986) |
Sinundan si | Diosdado Macapagal |
Sinundan ni | Corazon Aquino |
Punong Ministro ng Pilipinas
|
|
Nanilbihan Hunyo 12, 1978 – Hunyo 30, 1981 |
|
Sinundan ni | Cesar Virata |
Assemblyman
|
|
Nanilbihan Hunyo 12, 1978 – Hunyo 30, 1981 |
|
|
|
Kapanganakan | Setyembre 11, 1917 Sarrat, Ilocos Norte, Pilipinas |
Kamatayan | Setyembre 28, 1989 (edad 72) Honolulu, Hawaii, Estados Unidos |
Partidong pampolitika | Partido Liberal (1946-1965) Partido Nacionalista (1965-1978) Kilusang Bagong Lipunan (1978-1986) |
Asawa | Imelda Romualdez |
Hanapbuhay | Tagapagtanggol |
Relihiyon | Katoliko (dating Aglipayan) |
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28, 1989) ang ika-10 Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986. Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986.
[baguhin] Pagkabata
Isinilang si Marcos noong ika-11 ng Setyembre,1917 sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang mga magulang ay sina Don Mariano Marcos at Josefa Edralin, kapwa mga guro. Siya ay lumaki sa bayan ng Batac at doon nakapagtapos ng kanyang pag-aaral mula elementarya hanggang sa mataas na paaralan ng may karangalan.
Siya ay kumuha ng kursong abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas. Noong 1938, si Marcos ay kinasuhan at nahatulan sa salang pagpatay kay Julio Nalundasan, mahigpit na kalaban sa pulitika ng kanyang ama. Habang nasa kulungan, nag-aral at nakapasa ng may pinakamataas na marka sa eksamen sa bar noong 1938. Inapela ni Marcos ang hatol ng Hukuman ng Unang Dulugan (Court of First Instance) sa Kataas-taasang Hukuman (Korte Suprema). Hinangaan ng Kataas-taasang Hukuman ang kanyang katalinuhan at binaligtad nito ang hatol ng mababang hukuman sa Laoag. Ferdinand E. Marcos Ikaanim na Pangulo Ng Ikatlong Republika (Disyembre 30, 1965 – Pebrero 25, 1986)
I. Talambuhay
Si Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong naging presidente ng bansa, hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang ginawa upang mapanitiliniya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit dalawampung taon. Siya ang Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay nagging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan.
Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagi siyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang sa magtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas Siya nagtapos ng High School noong 1933. Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso, 1939. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis.
Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas.
Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo ditto, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo.
Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal siyang lawyer of the year at hinangaan ng mga kapwa abogado.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naglingkod siya sa hukbong sandatahan ng Pilipinas. Nakasama siya sa Martsa ng Kamatayan at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng digmaan sa Kuta Santiago at Capas, Tarlac. Naging meydor siya bago bumalik sa sibilyang buhay.
Nagsimula ang kanyang pagpasok sa pulitika nang matapos ang digmaan. Kumandidato siya sa pagka- kongresista ng Ilocos Norte at siya ay nanalo. Ang unang pinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan at sa buong bansa na rin.
Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging assistant minority floor leader sa kongreso. Dito niya nakalapit si Daniel Romualdez na pinsan ni Imelda. Sa pamamagitan ni Daniel ay nagkakilala sila ni Imelda na naging Miss Manila (Ginang Maynila). Sinasabi na naging makulay ang pag- iibigan nina Ferdinand at Imelda. Ikinasal sila sa Huwes noong Mayo 1, 1954. Sina dating pangulong Ramon Magsaysay ang nagging ninong nila sa kasal. Tatlo ang kanilang naging anak, sina Imee, Ferdinand Jr. at Irene.
Hindi na napigil ang pag- imbulog ni Marcos sa larangan ng pulitika. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kongresista noong 1957 at senador naman noong 1959. Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo naman si Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas. Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, “Magiging Dakilang muli ang bansang ito!”
Totoo sa kanyang slogan, pinangatawanan ni Marcos ang pagbangon sa bansa mula sa mahirap na kalagayan nito. Nahaharap noon ang bansa sa malalaking suliranin tulad ng kakapusan ng salapi para sa edukasyon , tanggulang bansa, mga pagawain at para sa kalusugan. Gayunman, nakapagpagawa siya ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice.
Ang mga magsasaka ay nabigyan ng mga kaalamang teknikal ukol sa modernong pagsasaka. Marami rin siyang naipagawang mga kalsada, tulay at School building. Nilabanan niya ang smuggling at sinimulan ang pakikipaglaban sa mga NPA.
Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ay unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalaking problemang kinakaharap ng bansa. Tumaas ang presyo ng langis at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami ang naghirap at nagutom. Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya at eskandalo.
Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng mga estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Tulay ng Mendiola.
Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rallyista ang Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.
Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar (Martial Law). Marami na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile.
Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang referendum noong Enero 19, 1973.
Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno.
Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga tao ang maluhong pamumuhay ni Ginang Imaelda Marcos at ng mga anak nito. Marami ang nagsasabi na sa nararamdamang kahirapan ng bayan ay hindi na dapat namumuhay ang Unang Ginang na tila ba ito ay nasa isang mayamang bansa.
Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao. Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga dayuhang mamumuhunan, pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan.
Gayunman ay hindi nawala ang takot sa mga mamamayan. Maraming mga opisyal ng pamahalaan at mga military ang kinatakutan ng mga tao adahil umabuso sa kapangyarihan. Lalong nagging mahigpit ang militar sa karapatang pantao. Ipinasara ang mga palimbagan ng diyaryo at magasin pati na ang mga istasyon ng radio at telebisyon. Wala nang maririnig sa radyo at telebisyon ay pawing mga papuri sa gobyerno.
Nagkaroon ng pakunwaring wakas ang Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045 na nilagdaan ni Marcos.
Sa kabila ng pagtatapos ng Martial Law ay hindi nahinto ang paglaganap ng kapangyarihan ng komunista sa bansa. Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1986 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa.
Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos.
Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga Amerikano sa Estados Unidos upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino.
Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa bansa ang kanyang bangkay t inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang sinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72.
[baguhin] Bilang isang sundalo
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumapi si Marcos sa Dulong Silangan sa Pwersang Hukbong Katihan ng Estados Unidos (United States Army Forces in the Far East) bilang combat intelligence officer ng Ika-21 Dibisyon ng Hukbong Lakad. Siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at naging isa sa mga biktima ng Martsa ng Kamatayan. Siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones sa Capas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta Santiago sa Intramuros, Maynila. Nakatakas si Marcos at itinatag ang kilusang gerilya sa Hilagang Luzon, ang "Maharlika". Siya ay kinilala bilang isa sa mga magagaling na pinuno ng mga gerilya sa Luzon at ang kanyang diumano’y pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa Labanan sa Pasong Besang at tumulong sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano lumaban sa Hapon.[pananangguni'y kailangan]
[baguhin] Bilang isang pulitiko
Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Noong 1949, siya ay tumakbo at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso. Noong 1954 nakilala niya si Imelda Romualdez, ang "Rosas ng Leyte" at pamangkin ng Ispiker Daniel Romualdez, na naging kaisampalad niya pagkatapos ng isang madaliang panliligaw.
Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo bilang Senador na may pinakamalaking boto. Noong 1961, naging Pangulo si Marcos ng Partido Liberal (Liberal Party) at makalipas ng isang taon, siya ang naging Pangulo ng Senado.
Matagal na panahong naging kasapi si Marcos ng Partido Liberal . Hiningi niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong 1964, ngunit ang kasalukuyang pangulo na si Diosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at si Fernando Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangalawang pangulo, laban kay Macapagal at Gerardo Roxas sa isang "landslide victory".
[baguhin] Unang Termino (1965-1969)
Noong ika-30 ng Enero 1965, nanumpa si Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-6 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa kanyang unang pasinaya, ipinahayag ng Pangulo ang kasadlak-sadlak na kalagayan ng Pilipinas:
…The Filipino, it seems, has lost his soul, his dignity, and his courage. We have come upon a phase of our history when ideals are only a veneer for greed and power, (in public and private affairs) when devotion to duty and dedication to a public trust are to be weighted at all times against private advantages and personal gain, and when loyalties can be traded. …Our government is in the iron grip of venality, its treasury is barren, its resources are wasted, its civil service is slothful and indifferent, its armed forces demoralized and its councils sterile., We are in crisis. You know that the government treasury is empty. Only by severe self-denial will there be hope for recovery within the next year.[1]
At kanyang ipinangako:
This nation can be great again. This I have said over and over. It is my articles of faith, and Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith into deeds.[2]
Noong Enero 24, 1966, sa kanyang kauna-unahang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa sa Kongreso, tinanggap ng Pangulong Marcos na ang bansa'y nasa tuktok ng isang panlipunang bulkan na malapit ng pumutok, na ang mga guguling-gobyerno'y labis na nakahihigit sa kinikita nito, na ang Philippine National Bank ay malapit nang bumagsak at laganap ang krimen sa bansa.
Binalangkas ni Marcos ang layunin ng kanyang pangasiwaan:
- . Mabigyan ng pampasigla ang pagpapaunlad ng pamayanan at proyekto ng pagawaang-bayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.
- . Isakatuparan ang palatuntunan ng reporma sa lupa.;
- . Pagkakaroon ng kasapatan sa produksyon ng palay at magpasimula ng pag-iiba-iba ng pananim upang mapaunlad ang pag-aani.;
[baguhin] Mga Suliranin
Tangi sa palaki nang palaking paghihirap ng kalagayang-pangkabuhayan, ang pangasiwaang Marcos at nasusuong sa mga mabibigat na suliranin. Nangunguna sa mga ito'y ang paglubha ng kalagayang pangkatahimikan at kaayusan ng bansa na humantong sa mga sumusunod:
1. Paglaganap ng krimen bunga ng pagkalahatang paghihikahos at pangkabuhayang paghihirap at ang paggitaw ng naitatg na krimen;
2. Patuloy na katiwalian sa pamahalaan lalung-lalo na ang mga taong nagpapairal ng batas, na karamiha'y gumagamit ng kanilang kapangyarihan sa paggawa ng pagmamalabis o sa pagtangkilik ng krimen; at
3. Pagkakaroon ng mga pribadong hukbo ng mga mayamang tinatangkilik ng mga pulitiko.
Ang mga kalagayang tulad nito'y nagdulot ng pagkaligalig at di-kasiyahan sa mga kabataan at mga mag-aaral sa mga institusyon ng karunungang may kaalaman at bihasa sa mga bagay na pampulitika. Nagtatag ang mga ito ng mga samahang demokratikong tagapamagitan sa mga publiko at pribadong paaralan; pati kolehiyong katoliko, upang mag-udyok ng pagkakaroon ng tiyak na reporma sa kabuuan ng tunay na kayariang demokratiko. Kasama rito ang kabataang galamay ng lihim na Partido Komunista ng Pilipinas (Communist Party of the Philippines), na lalong kilala sa tawag na "Kabataang Makabayan" na gumagamit ng karahasan upang makapagtamo ng mga reporma.
[baguhin] Digmaang Vietnam
Noong Oktubre, 1965 sinabi nila kay pangulong Marcos na mahigit sa 10,450 mga sundalong Pilipino na dinala sa Timog Vietnam at lumaban agad sa mga Hilangang Vietmanes at ang mga Viet Cong sa panahon ng Digmaang Vietnam.
[baguhin] Demonstrasyon ng mga Estudyante
Ang unang demonstrasyon ng mga estudyante'y napukaw ng isang pangpurok na pagpupulong (summit conference) na idinaos sa Maynila noong Oktubre, 1966, ng mga pinuno ng Estados Unidos, Australya, Thailand, Timog Vietnam,Timog Korea, Nueva Selanda, at Pilipinas. Ang layunin ng pagpupulong na ito ay upang yumari ng isang nagkakaisang paninindigan sa digmaan sa Timog Silangang Asya at upang pagtibayin ang pakikipagtulungan ukol sa pangkabuhayan , panlipunan, at kultura sa pagitan ng mga bansa sa Asya-Pasipiko.
Nang hapon ng Oktubre 24, 1966, ang Kabataang Makabayan na sinasamahan ng ibang pangkat estudyante ay nagtanghal ng isang pagtutol na demonstrasyon sa harapan ng pangulo ng Estados Unidos na si Lyndon B. Johnson. Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga demonstrador at mga pulis malapit sa embahada ng Estados Unidos. Dinakip ang 41 demonstrador at pinaratangan ng panliligalig at pananalakay.
[baguhin] Mga Nagawa sa Loob ng Unang Termino
Marami at lubhang kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod:
- . Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya;
- . Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;
- . Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan;
- . Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan);
- . Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan;
- . Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay' o "miracle rice';
- . Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa;
- . Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at
- . Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa pamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.
[baguhin] Ikalawang Termino
[baguhin] Halalan ng 1969
Nanindigan ang reeleksyonistang Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang pagnanais na makapagtamo ng bagong kapasyahan ng mga botante sa halalan ng 1969.
Sa pagtulong ng Unang Ginang, Imelda Marcos, na kanyang itinuturing na kanyang "lihim na sandata", si Marcos ay naging unang Pangulong reeleksyonista pagkatapos ng digmaan. Tinalo niya ang kandidato ng mga Liberal, si Sergio Osmeña, Jr. sa napakalaking kalamangan.
[baguhin] Radikalisasyon ng mga Estudyante
Sa mga unang buwan ng pangalawang panunungkulan ng Pangulong Marcos ay nagkaroon ng serye ng mga demonstrasyon ng mga estudyante at mga malalaking pagtitipon, na karamiha'y humahantong sa karahasan at panggugulo. Sa simula, ang mga demonstrasyo'y idinaraos bilang protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan.Tinugon ito ng mga namamahala sa mga pamantasan sa pagtitiwalag sa mga namumunong estudyante at di-pagtanggap sa kanila sa alin mang pamantasan.
Namagitan ang pamahalaan sa kanilang alitan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga tuntunin at regulasyon tungkol sa pagtataas ng matrikuka na nangangailangan ng pagsang-ayon ng pamahalaan. Ang mga lider estudyante ay muling tinanggap sa mga paaralang kanilang pinili.
Ngunit di naglaon, panibagong isyu ang lumitaw. Lumabas sa kalye ang mga mag-aaral at mga kapanalig. Sa gayo'y nagsimula ang "parliament of the streets." Sa pagbunsod sa mga kahilingan para sa mga reporma sa pamahalaan at mga protesta laban sa pagkakaloob ng kapangyarihan sa namumuhunan at mga oligarkiya, ang mga demonstrador ay madaling bumaling sa mga bagay na pangkaisipan (ideolohikal) tulad ng pasismo, piyudalismo, at imperyalismo. ito ang kanilang naging sigaw na panlaban.
Noong ika-26 ng Enero, 1970, ang araw ng pagbbukas ng regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-aaral na pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagtipun-tipon at nagdaos ng malaking demonstrasyon sa labas ng Kongreso. Ang mga estudyante ng mga pribadong paaralan sa Maynila, kasama ang ilang sa kanilang mga gurong-tagapayo ay nangaroon upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng isang Kumbensyong Konstitusyonal ng taong 1971.
Tulad ng hinihingi ng tradisyon, dumalo ang Pangulong Marcos sa Kongreso upang magtalumpati tungkol sa kalagayan ng bansa. Kasama niya ang Unang Ginang. Pagkatapos ng mga seremonya at habang lumalabas sa gusali ng Kongreso ang Pangulo at ang Unang Ginang patungo sa kanilang sasakyan, nagsimula ang kaguluhan. Ang binabalak na mapayapang demonstrasyon ay naging isang panggulong walang taros. May 70 estudyante ang nasaktan at may ilang nangapinsala ring alagad ng batas.
[baguhin] Sigwa ng Unang Sikapat
Ang demonstrasyon ng mga estudyante noong ika-30 ng Enero 1970 ay lalong higit na madugo at marahas at ito'y tinaguriang "Labanan sa Mendiola" na mas higit na kilala sa tawag na "First Quarter Storm" o Sigwa ng Unang Sikapat. Marahil napag-alab sa kabangisan ng mga pulis sa naunang demonstrasyon sa harapan ng Kongreso, ibinaling ng lalong masugid na mga aktibistang estudyante ang kanilang pagkapoot sa Malakanyang.
Pagkatapos ng maagang demonstrasyon sa may Kongreso , nagtungo ang mga estudyante sa Malakanyang at pagkaraan ng kanilang maaapoy na talumpati ay pinagpilitan nilang makapasok sa loob ng paligid ng Palasyo. Naghagis sila ng "pillboxes" at mga sariling-gawang bomba (Molotov) sa bakuran ng Palasyo. May ilang nakaagaw ng isang trak na pamatay-sunog at ito'y ibinangga sa isang trangkahan ng Malakanyang hanggang sa mabuksan ito.
Nagpaputok ng mga teargas ang mga tanod Pampanguluhan ng Palasyo sa mga nanggugulo at ang mga ito'y gumanto ng mga bato at patpat at sariling-gawang bomba. Napilitang magsiurong ang mga estudyante hanggang sa daang Mendiola habang hinahabol ng mga pangkat ng mga sandatahan ng pamahalaan.
Ang labanan ay tumagal hanggang makalipas ang hatinggabi nang ang mga estudyante'y naghiwa-hiwalay sa University Belt sa daang Claro M. Recto.
Nang sumunod na araw, napalathala sa mga pahayagan na apat na demonstrador ang nakitlan ng buhay at marami pang nasugatan.
Ipinahayag ng Panguilong Marcos sa pamamagitan ng radyo at telebisyon na ang mga pangayayari sa Mendiola ay isang binalak na pagsalakay sa pamahalaan, isang panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang pamahalaan. Ngunit tiniyak niya sa mga tao na ang kaguluha'y nasugpo na.
[baguhin] Pag-aaklas ng mga Tsuper ng Jeep
Noong ika-3 ng Marso, 1970 nagdaos ng isang pag-aaklas ang mga nagmamaneho ng pampublikong jeep ng Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay upang tuligsain ang panghuhuthot ng mga pulisya at upang hilingin na pagtibayin ng lupon ng Palingkurang-Bayan ang pagtataas ng 5 sentimo sa pamasahe ng jeep. Matagumpay ang kanilang pag-aaklas; nangako ang pamunuan ng pulisya na parurusahan ang mga tiwaling alagad ng batas; at sinang-ayunan ng Lupon ng Palingkurang-Bayan ang kanilang petisyon sa pagtataas ng pamasahe sa jeep.
Noong ika-23 at 24 ng Marso, 1970, ang mga estudyante at mga pasahero ay nagdaos ng isang panlabang demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng bayad sa jeep at bus. Binato nila ang mga sasakyang pampubliko at lumikha ng malalaking siga sa daan.
[baguhin] Ang Pagbomba sa Liwasang Miranda
Ang Liwasang Miranda o Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila ay siyang kinaugaliang pook ng malalaking pampulitikang pagtitipun-tipon at pagpupulong. Doon ipinakikilala at ipinapahayag ang mga kandidatong pambansa at ng Maynila. Doon idinaraos ang mga "miting de avance" o pangwakas na malaking pagpupulong, bilang pinakatampok sa mga kampanyang pampulitika. May malaking pagtatangi ang Pangulong Magsaysay sa naturang pook kahit na kailanman at siya'y pinipilit na magpasiya ukol sa isang bagay na pampulitika, kanyang itinatanong "Maipagtatanggol na natin ito sa Plaza Miranda?"
Sa pagsunod sa isang pampulitikang kaugalian, nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng kanilang pagpapahayag na pagtitipun-tipon sa Plaza Miranda noong ika-21 ng Agosto, 1971. Ito'y binalak upang ipakilala sa bansa ang mga kandidato ng Partido Liberal para Senador at mga kandidato para sa Maynila mula Punong-Lungsod hanggang sa mga konsehal.
Nang mag-iika-9:00 ng gabi ng araw ding iyon, habang ang walong kandidato ng Partido Liberal sa pagkasenador, dalawampu't dalawang kandidato ng Maynila at gayon din ang iba pang mga kilalang lider ng partido ay magkakasamang nagkakatipon sa tanghalan, dalawang granada ang inihagis buhat sa karamihan ng tao at magkapanunod na sumabog. Ang isa'y bumagsak sa tanghalan kasabay ng pagsabog, at isa'y tumama sa gilid ng tanghalan at sumabog din pagkahulog sa lupa. Libu-libong tao sa pook na iyon at higit na marami pa na nanoood sa telebisyon ang nakasaksi sa pambobomba.
Ang pambobomba at halos lumipol sa pamunuan at mga kandidato ng oposisyon. Nag-aagaw-buhay nang damputin sina Senador Jovito Salonga at Sergio Osmeña, Jr. at Kinatawan John Henry Osmeña. May malubhang tama sina Senador Gerardo Roxas at ang kanyang maybahay na si Judy, Kinatawan Ramon Mitra, at kandidato para punong-lungsod Ramon Bagatsing. Sina Senador Eva Estrada Kalaw, Kinatawan Eddie Ilarde at kandidato para sa pangalawang punong-lungsod Martin Isidro at ang kanyang maybahay ay pawang may malubhang tama rin.
Ang ibang kandidato ng Partido Liberal sa pagkasenador ay di-gaanong nagtamo ng kapinsalaan
Namatay noon din ang isang potograpo na nagtratrabaho sa isang pahayagan at maraming mga manonood ma sama-sama sa harapan ng entablado ang pawang nangasawi.
Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may pakana sa kalagim-lagim na pangyayari sa Plaza Miranda ngunit makalipas ang ilang taon lumitaw ang mga testigo na nagdidiin kay Jose Maria Sison at sa pinamumunuan niyang kilusan, ang Communist Party of the Philippines- New People's Army, bilang may utak sa pagpapasabog.
[baguhin] Ang Pagsususpindi ng Pribelehiyo ng "Writ of Habeas Corpus"
Ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ng bomba sa Plaza Miranda, ipinalabas ng Pangulong Marcos ang Proklamasyon Bilang 889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus (pangangalaga sa sinuman laban sa di-salig-batas na pagbibinbin sa bilangguan) upang mapanatili ang kapayapaan , mapangalagaan ang mga mamamayan at mapanatili ang kapangyarihan ng pamahalaan. Ginawa na minsan ng Pangulong Elpidio Quirino ang pagsususpindi ng pribelehiyo ng writ of habeas corpus noong dekada 50 upang sugpuin ang mga Huks.
Ang pagpigil sa writ ay humantong sa pagtatamo ng mga sumusunod na layunin:
1. Pagsansala sa paglaganap ng terorismo mula sa mga lalawigan hanggang sa pook ng Maynila;
2. Pagtatamo ng impormasyon tungkol sa organisasyon ng mga komunista, misyon, pinagmumulan ng pantustos, kagamitan, lihim na tagakalap ng balita at mga bagong kasapi;
3. Pagdadakip sa ibang pinuno ng mga kilusang makakaliwa.
Noong ika-7 ng Enero, 1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus.[3]
[baguhin] Ang Malaking Baha ng 1972
Noong kalagitnaan ng 1972, malalaking baha ang nagpalubog sa halos lahat ng Kalagtitnaang Luzon at lungsod ng Maynila. Ang pag-apaw ng tubig na umabot ng may isang buwa'y sumira ng mga pananim at humantong sa pagtaas ng bilihin mga panindang pagkain hindi lamang sa mga binahang pook kundi gayun din sa buong Luzon at sa karamihan pang mga pook sa bansa.
Bigas, asukal at iba pang mga pangunahing pangangailanga'y nawala sa mga pamilihan. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang halaga ng pagbibili ng bigas na nakatingal sa kanilang kamalig. Ipinag-utos ding ipagbili ang mga bigas at asukal na nakatago sa mga bodega ng mga mapagsamantalang negosyante sa isang nakatakdang halaga sa ilalim ng babalang ang mga ito'y kukumpiskahin ng pamahalaan.
Bunga ng kautusan ng Pangulo'y muling lumabas ang mga bigas at asukal sa pamilihan at mg tindahan na nagpapatunay na ang kakapusan, lalo na sa Maynila ay gawa-gawa lamang.
[baguhin] Batas Militar
[baguhin] Patuloy na Panliligalig
Hindi naglaon pagkaraan bawiin ang suspensyon ng karapatan sa writ ang paghupa ng tubig na likha ng baha noong taong 1972, ang kapayapaan at kaayusan ng bansa ay lumubha ng lumubha. Dumarami ang mga nagaganap na krimen. Isa lamang pangkaraniwang pangyayari ang mga mapangahas na panloloob sa mga bangko kung araw kahit na katanghaliang tapat. Lumitaw ang mga nagbibili ng proteksyon at ang pangangasiwa ng mga bisyo at halos lantaran na. Pinasasabugan ng mga maninindak ang mga pamilihan sa kabayanan (Greater Manila Terminal Food Market sa Taguig), mga gusali ng bayan (Manila City Hall at Court of Industrial Relations), ang embahada ng Estados Unidos, mga pribadong gusali (Philamlife Building sa Ermita, sangay ng Security Bank and Trust Company sa kalye España sa Maynila, at ang Arca Building sa lungsod ng Pasay), ang tanggapan ng JUSMAG sa lungsod Quezon, mga gusaling naglilingkod sa pangangailangan ng madla (Meralco), ang kapaligiran ng Kombensyon Konstitusyonal at ang pangunahing tipunan ng tubig sa Kamaynilaan. Naghari ang isang nakasisindak na panahon sa lungsod ng Maynila.
Nagsimula ang paghihimagsik sa maraming pook sa Kahilagaang Luzon, pook ng Bicol at sa ilang panig ng Mindanao. Karamihan dito'y ipinapalagay na likha ng impluwensya ng mga komunistang grupo at ng Moro National Liberation Front, isang pangkat ng mga Muslim, na pinamumunuan ni Nur Misuari, na naglalayong ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at magtatag ng nagsasariling Republika ng Bansang Moro.
[baguhin] Ang Pagpapahayag ng Batas Militar
Dahil sa lumalalang suliranin sa kapayapaan at kaayusan sa bansa, isinailim ni Pangulong Marcos ang buong bansa sa Batas Militar sa bisa ng | Proklamasyon Bilang 1081 na kanyang nilagdaan noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Nagpalabas din ang Pangulo ng mga kautusan at atas upang maisakatuparan at magawa ang layunin ng Batas Militar, ang isalba ang Republika at ireporma ang mga institusyong panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika ng bansa.[4]
Binigyang-diin ng Pangulo na ang proklamasyon ng Batas Militar ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng pamahalaang militar.[5] Magpapatuloy ang pamahalaang sibil. Ang mga opisyales at mga kawaning pambansa at pamahalaang lokal ay magsasagawa ng kanilang tungkulin tulad nang dati.
Ayon sa Pangulo, walang dapat ipangamba ang mga taong walang kinalaman sa pagsasabwatan upang ibagsak ang pamahalaan sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan.[6]
Sa isang pahayag sa radyo't telebisyon, winika ng Pangulo:
Buhat nang ipahayag ng Kataas-taasang Hukuman ang kapasyahang ito (| Lansang vs. Garcia, 42 SCRA 449) lalong lumala ang panganib at lalong lumubha o lumaki ang rebelyon. Napatigil ang gawaing pambansa. Ang mga pangunahing pook na pangkabuhayan ay hindi makakilos. Hindi makapaglapat ng katarungan ang mga hukuman... lumalaganap at palaki nang palaki ang mga paglabas sa batas at pag-iral ng krimen... na di-maabot ng kakayahan ng pulisyang pambayan at mga maykapangyarihang sibilyan
Patuloy ang paghahamok ng mga pangkat ng hukbo at ng mga kumakalaban sa pamahalaan sa Isabela, Zambales, Tarlac, Camarines Sur, Quezon, at sa pulo ng Mindanao, ang Timog Lanao, Hilagang Lanao, Timog Zamboanga at Cotabato.[7]
Tinuligsa ng mga kritiko ang mga dahilang inilahad ni Marcos na nagbibigay-katwiran sa pagpapahayag ng batas militar. Sinabi ng mga ito na ang katotohanan ay nilikhi ni Marcos ang mga kaguluhan at panliligalig upang magkaroon siya ng dahilang magpahayag ng batas militar at mapanatili ang sarili sa kapangyarihan.
[baguhin] Madaliang Pagkabisa ng Batas Militar
Tinanggap, kung hindi man ay sinang-ayunan, ng taumbayan ang pagpapahayag ng Batas Militar dahil sa panunumbalik ng lubos na kapayapaan at kaayusan sa bansa lalung-lalo na sa Maynila. Ang panghaharang, pagnanakaw ng sasakyan, pagkidnap, pang-aabuso, pagpupuslit ng kalakal, mga ilegal na pasugalan at iba pang krimen laban sa tao at ari-arian ay nabawasan nang napakalaki.
Sa bisa ng General Order No. 1, inutos ni Pangulong Marcos ang pagdakip sa mga sumusunod na lider-pulitiko at kasapi ng mga kilusang subersibo na nagsabwatan upang pabagsakin ang pamahalaan: ang mga Kinatawan na sina Roque Ablan, Jr.(Ilocos Norte)at Rafael Aquino (Sorsogon); mga Senador na sina Benigno Aquino, Jr., Jose W. Diokno at Ramon Mitra; mga Gobernador na sina Rolando Puzon (Kalinga-Apayao) at Lino Bocalan (Cavite); dating Senador Francisco “Soc” Rodrigo; Mga delagado sa Kombensyon Konstitusyonal na sina Napoleon Rama, Enrique Voltaire Garcia, II, Teofisto Guingona, Jr., Bren Guiao, Alejandro Lichauco, Jose Nolledo, Jose Concepcion, Jr., at Jose Mari Velez; mga mamamahayag na sina Joaquin ‘Chino” Roces, Maximo Soliven, Teodoro Locsin, Sr., Amando Doronilla, Renato Constantino, at Luis Mauricio. Ang iba pang dinakip ay sina: Hernando Abaya, Ang Nay Quang, Luis Beltaran, Jorge Bocobo, IV, Ramon Chramico, Cipriano cid, Chua Giok Su @ Bob Chua, Herminio Caloma, Romeo Dizon, Armando Eufemio, Rolando Fadul, Rolando Feleo, Jose Fuentes @ Joey, Rosalinda Galang @ Roz, Go Eng Guan, Flora Lansang, Teodosio Lansang, Guillermo Ponce de Leon, Joel Rocamora, at iba pa.
Sa kabilang dako, ang pagtitiwalag o pagpapaalis sa mga di-karapat-dapat na kawani ng tanggapan ng pamahalaan (sa bisa ng Presidential Decree No. 1 o ang "Integrated Reorganization Plan") ay nakapanumbalik ng pagtitiwala ng tao sa kanilang pamahalaan. Nabawasan ng malaki ang katiwalian, kasamaan, at karaniwang kalakaran ng pamahalaan, na nagresulta sa di-kapani-paniwalang paglaki ng koleksyon ng Kawanihan ng Adwana at Kawanihan ng Rentas Internas.[8]
Napawi rin ang walang kapananagutang pag-uulat ng mga balita sa pahayagan, telebisyon, radyo at iba dahil sa pagpapasara ng Pangulo, sa bisa ng Letter of Instruction No.1, sa lahat ng istasyon ng telebisyon at radio at mga pahayagan. Tanging ang pahayagang Daily Express at mga istasyon ng pamahalaan ang pinahintulutang magpatuloy ng kanilang operasyon. Kalauna'y pinahintulutan ding magbukas ang pahaygang Manila Bulletin Today (na pag-aari ng Hans Menzi, isang malapit sa Pangulo); mga istasyon ng Radio Philippine Network at Intercontinental Broadcasting Corporation na pag-aari ng kroning si Roberto Benedicto, at ang istasyon ng Republic Broadcasting System na kilala sa tawag na GMA Networks, na ang isa sa mga nagmamay-ari ay si Gilberto Duavit na malapit sa Pangulong Marcos.
Malaki ang ipinagbago ng kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan - nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling malinis ng mga tao na rin.
Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa pangunahing lungsod ng Maynila.
Nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaralan na dati-rati'y may ligalig at karahasan.
Napanatili ang halaga ng mga pagkain. Hindi nakahadlang sa pagtitinda ang pagtatakda ng halaga, di tulad nang pinangangambahan na mawawala ang mga pangunahing kagamitan at mahahalagang pangangailangan sa mga pamilihan at mga tindahan.
- Halaga ng Pangunahing Bilihin Bago at Makaraang Ihayag ang Batas Militar
- [9]
Produkto | Yunit | Halaga ng bilihin Setyembre 23, 1972 |
Halaga ng bilihin Agosto, 1972 |
Halaga ng bilihin Setyembre, 1971 |
|
---|---|---|---|---|---|
Bigas |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Mais |
|
|
|
|
|
Isda |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Hipon |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Baboy |
|
|
|
|
|
Baka |
|
|
|
|
|
Buhay na Manok |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Itlog |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Gulay |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Prutas |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
1. ^ Ang isang ganta ay katumbas ng 8 gatang (chupa) o mahigit sa 2 kilo.
[baguhin] Pagbabago sa Pamahalaan
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula ng ipahayag ang Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre 1972. Ang Kongreso na siyang bumabalangkas at gumagawa ng mga batas ay binuwag. Naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan.
Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso.
Bukod tangi ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas. Hindi tulad ng ibang mga bansa na nagpapairal ng Batas Militar. Hindi ang hukbo ang nangangasiwa sa pamahalaan kundi ang mga pinunong sibilyan rin.
[baguhin] Ang Saligang Batas ng 1973
Kabilang ang pagbabago ng Saligang Batas sa mga pagbabagong naganap sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Marcos. Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas [ng 1935] sa dalawang kadahilahanan:
1. Nayari ang Saligang Batas ng Pilipinas ng taong 1935 habang ang bansa ay kolonya pa ng Estados Unidos at nangangailangan ng pagpapatibay ng Pangulo ng Estados Unidos. Sa gayon, ito'y yari ng impluwensyang Amerikano.
2. Hindi na napapanahon ang mga tadhana ng lumang Saligang Batas sa paglutas ng mga suliranin at pagtugod sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Alinsunod sa kahilingan ng madla, pinagtibay ng Kongreso noong ika-24 ng Agosto, 1970 ang Batas Republika (Republic Act) Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kombensyong Konstitusyonal sa taong 1971.
[baguhin] Halalan ng mga Delegado sa Kombensyong Konstitusyonal
Ginanap noong ika-10 ng Nobyembre 1970 ang halalan ng 320 delegado sa Kombensyong Konstitusyonal. Ang halalang ito ang sinasabing isa sa mga pinakamaayos sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahong iyon.
Nakakarami sa mga nahalal na delegado ang manananggol, mangangalakal, mga tao sa industriya, at manggagamot. Mayroon ding mga guro, mga ministro, mga puno ng paggawa, mga kilalang kababaihan at mga mamamahayag.
Dalawang delegado, sina Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal ang naging Pangulo ng Pilipinas. Ang tatlo'y kasapi ng Kombensyong Konstitusyonal noong taong 1934 - sina Salvador Araneta, Jose P. Arruego, at Miguel Cuaderno. Higit na tatlumpu ang mga dating Senador at kinatawan at dalawa ang dating Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman. Apat naman ang mga pari at madre.
[baguhin] Pagkakabuo
Ang Kombensyong Konstitustyonal (bantog sa tawag na Con-Con) ay nagtipun-tipon noong unang araw ng Hunyo, 1971. Nahalal bilang Pangulo ng Con-Con ang dating Pangulong Carlos Garcia. Ngunit siya'y yumao pagkalipas ng tatlong araw na siya'y mahalal. Gumanap bilang pangulo ng kombensyon ang Pangulong Pro-tempore Sotero Laurel hanggang sa humalili ang bagong halal na Pangulong Diosdado Macapagal.
Puspusan ang ginawang pagtatrabaho ng mga delegado, habang patuloy naman ang mga rali, welga, demonstrasyon at iba pang kaguluhan sa bansa. Natapos ang bagong Saligang Batas pagkaraan ng isang taong pagpupunyagi ng mga delegado. Ang balagkas ng mungkahing bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong ika-28 ng Nobyembre, 1972 at nilagdaan noong ika-30 ng Nobyembre.
Ang Saligang Batas ay buong galang na iniharap sa Pangulong Marcos noong ika-1 ng Disyembre, 1972. Nagpalabas ang Pangulo ng isang kautusang pampanguluhan (Presidential Decree 86) na lumilikha sa bawat baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod ng Asembleya ng mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang saligan ng paglahok ng mga mamamayan sa isang pamamaraang demokratiko at mabigyan sila ng pagkakataong maipahayag ang kanilang pambansang saloobin.
Noong ika-10 hanggang 15 ng Enero 1973, pinagtibay ng mga Asembleya ang Saligang Batas sa nakakaraming halal na higit sa 14 milyon. Sa halos gayon ding kalamangan, pinagpasyahan din nila na ang Interim National Assembly na nakatakda sa Transitory Provisions ng Saligang Batas at di na dapat magtipun-tipon.
Nagkasbisa ang bagong saligang Batas noong Enero 17, 1973 sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ng Pangulong Marcos.
[baguhin] Mga Tadhana
- . Ang bagong Saligang Batas ay nagtatakda sa pagpapalit ng sistema ng pamahalaan mula sa presidensiyal patungo sa parlamentaryan;
- . Ang Pangulo ang siyang kakatawan sa pamumuno ng estado;[10]
- . Isang Punong Ministrong inihalal ng Pambansang Asembleya (National Assembly) ang gumaganap ng kapangyarihang pampamahalaan kasama ng kanyang Gabinete;[11]
- . Isang Pambansang Asembleya binubuo ng isang kapulungang (unicameral) inihalal ng mga kinatawang distrito ang may karapatan sa lahat ng kapangyarihang pambatasan;[12]
- . Ang kapangyarihang panghukuman ay nasasalalay sa Kataas-taasang Hukuman at sa mababang hukuman na nasa pagtatakda ng batas;[13]
- . Itinatakda ang isang Katipunan ng mga Karapatan.[14] Katulad ito halos ng mga nakatakda sa Saligang Batas ng 1935. ang tanging pagkakaibang tinutukoy sa bagong Saligang Batas ay ang pananagutan at tungkulin ng mga mamamayan.[15]
[baguhin] Ang Bagong Lipunan
[baguhin] Ang Lumang Lipunan
Mga ilang buwan bago ipahayag ang Batas Militar, tinunton ng Pangulo ang sakit ng bayan sa pagkakaroon ng isang "lipunang may karamdaman." Ang bagay na ito'y kanyang ibinibintang sa mga pangkating makapangyarihan na kanyang tinaguriang oligarkiya (kapangyarihan sa pamahalaang nasa kamay ng iilang tao) at mga maka-Maoistang Komunistang naghahangad ba ibagsak ang pamahalaan sa pamamagitan ng subersiyon at paggamit ng karahasan.
Sa kanyang aklat, Today's Revolution:Democracy, sinulat ng Pangulong Marcos:
Ang ating lipuna'y patungo sa isang lipunang maka-oligarkiya. Ito'y maliwanag na nangangahulugang ang pangkabuhayang agwat na namamagitan sa mga mayayaman at sa mga mahihirap ay nagkakaloob ng pagkakataon sa iilang masasalapi na gumamit ng hindi nararapat na kapangyarihan sa mga awtoridad sa pulitika... Ang mga piling oligarkiya'y nakapagpakilos sa mga kapangyarihang pampulitika nang ayon sa sarili nilang kapakinabangan at nagbabala't nananakot sa mga namumuno sa pulitika; bilang ganti, nakalikha ang mga tao ng isang populista (mga taong nagtataguyod ng patakarang pagmamay-ari ng lahat ng ari ng pamahalaan), personalista (mga taong nagpapahalaga sa sarili bilang tao) at indibidwalista (mapagsarili; mga taong naniniwalang ang mga gawaing pangkabuhayan ay di-kailangang higpitan ng pamahalaan) na uri ng pulitika.
Nakikini-kinita natin kung gayon ang isang bagong lipunang may pagkapantay-pantay ay hindi isang huwad lamang kundi idang katotohanan. ang isang lipunang oligarkiya'y maaring matapoat na naniniwala sa pagkakakapantay-pantay na pagkakataon, ngunit habang mat malaking agwat sa pangkabuhayan ang pagkakatao'y nagsisimula sa pinagmulang guhit, kapag ang isang tao ay ipinanganak na. Ito'y nangangahulugang may ilang ipinapanganak na mayroon ng lahat samantalang ang karamiha'y ipinanganak na wala ni anuman.
Kapag tayo'y magpapatuloy sa ganitong saligan, lahat na'y susunod: ang radikalisasyon ng lipunan.
[baguhin] Pagtatatag ng Bagong Lipunan
Upang mabago diumano'y mga di kanais-nais na naging dahilan ng mga paghihirap, paghihikaos at kriminalidad sa bansa, isinulong ni Pangulong Marcos ang pagtatag ng isang bagong uri ng pamumuhay na kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga taumbayan kundi sa bansa at sa buong mundo. Ito ang simula ng Bagong Lipunan - isang lipunan na binubuo ng mga bagong Pilipino. Mga Pilipinong uliran, masipag, nagbibigayan, may disiplina sa sarili at laging nasasaisip ang paglilingkod sa kanyang kapwa.
Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang "PLEDGES" na ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan); Government Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan).
Itinuturing na maganda ang programa ngunit ang mga repormang naipangako ay hanggang sa papel lamang. Kung mayroon mang pagbabago at nangyari lamang sa mga unang taon ng Bagong Lipunan.
[baguhin] Ang Reporma sa Lupa
Noong Oktubre 1972, isang buwan makaraan ipahayag ang Batas Militar, nagpalabas ng Kautusang Pampanguluhan Bilang 27 (Presidential Decree No. 27) ang Pangulong Marcos. Sa bisa ng kautusang ito, ang mga magsasaka, sa halip na kasamá lamang sila ng may-ari ng bukid, ay magmamay-ari na ng bahagi ng bukid. Kung wla pa silang salaping ibabayad, tutulungan sila ng Land Bank of the Philippines. Babayaran ng bangkong ito ang kaukulang halaga sa may-ari ng lupa. Sa bangko naman magbabayad ang mga magsasaka.
May isa pang paraan upang mabigyan ng lupa ang mga magsasakang walang sariling lupa. Pinapadala sila sa mga pook na maari nilang mabungkal at matamnan. Bawat magsasaka at ang pamilya niya ay binibigyan doon ng anim na ektaryang lupa. Pinahihiram siya ng salapi para sa kanyang bagong ginagawang bukid na babayaran sa loob ng tatlong taon. Maraming magsasaka ang naipadala sa Nueva Vizcaya, Southern Leyte, Lanao del Sur, Davao del Sur, at Sultan Kudarat.
Nagpagawa ang pamahalan ng mga patubig sa mga bagong sakahang ito upang maparami ang ani ng mga magsasaka. Nagpagawa rin ng mga daan upang ang mga produkto ay madala sa pamilihang bayan,
Tinuruan ang mga magsasaka ng paggamit ng mga makabagong paraan ng pagtatanim. Tinuruan sila ng paggamit ng mga pataba at mga gamot na pamatay sa mga mapaminsalang kulisap. Itinuro sa kanila ang mabubuting uri ng mga kooperatiba upang makabili sila ng mga kailangan sa pagtatanim sa mababang halaga.
[baguhin] Mga Pagbabagong Pangkabuhayan
Malaki ang pagsisikap na ginawa ng pamahalaan sa ilalim ng Bagong Lipunan upang linangin at paunlarin ang mga industriyang may kaugnayan sa pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa. Ang pagpapaunlad ng mga industriyang iyon ay binigyan ng unang pansin sa pagtataguyod at pagtangkilik ng pamahalaan
[baguhin] Pagbabago sa Agrikultura
Ang pamahalaan sa ilalim ng Bagong Lipunan ay nagsikap na makapagbigay ng sapat, mahusay at murang mga pagkain sa mga mamamayan, gumawa ito ng mga palatuntunan sa ikatutupad nito.
[baguhin] Masagana 99
Ang palatuntunang tinatawag na Masagana 99 ay sinimulan noong 1973. Nilalayon ng palatuntunang ito na maging masagana ang ani ng mga magsasaka at makaani ng 99 na kabang palay o higit pa sa bawat ektaryang taniman. Upang matamo ito, itinuro ang paggamit ng patubig, pataba at ng mga gamot na pamatay sa mga kulisap na sumisira o kumakain ng palay. Tinulungan silang humiram ng salapi sa bangko na pambili ng mabuting uri ng binhi, ng pataba, at ng gamot laban sa sakit ng palay.
[baguhin] Masaganang Maisan
May palatuntunan din na ang tawag ay Masaganang Maisan. Natutungkol ito sa pagtatanim ng puting mais, dilaw na mais, batad at balatong sa 43 lalawigan. Ang balatong at sorghum ay hindi lamang mga pagkain ng tao. Pagkain na rin ito ng mga hayop na katulong sa hanapbuhay.
May palatuntunan din ang pamahalaan na tinawag na Gulayan sa Kalusugan. Ang layunin nito ay maparami ang mga tanim na gulay.
[baguhin] Biyayang Dagat
Ang tagumpay ng Masagana 99 ang nagbigay daan sa pagluwal naman ng Biyayang Dagat o Blue Revolution. Sa pamamagitan nito, ang mga mangingisda ay nakauutang ng pera mapabuti ang kanilang hanapbuhay. Ang programa ay binalangkas ng Ministri ng Likas na Kayamanan noong 1979 upang ang mga karaniwang mangingisda ay makautang ng pera sa kanilang mga rural banks. Ang programang ito ay nilaanan agad ng Php 850 milyon ukol sa unang limang taon.
Upang mabayaran naman ng mangingisda ang kanilang inutang, ang Pamahalaang Marcos ay nagsagawa ng hakbang upang maging higit na malaganap ang mapagdadalhan ng huli ng mga mangingisdang ito. May mga kooperatiba rin ang mga mangingisda at ito ay nakalagay sa lahat ng daungan ng isda. Ang mga kooperatiba ang bumibili ng huling isda sa makatuwirang halaga. Sa mga pook na walang kooperatiba, ang rural bank ang nagtatalaga ng tagapakyaw.
Kasama rin sa programa ng Biyayang Dagat ang pananaliksik at pinalawak na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng palaisdaan, pagsasalata at paglalagay ng mga tinggalan ng huling isda at pagpapalawak ng pamilihan.
[baguhin] Iba Pang Palatuntunan sa Agrikultura
Isa sa mga palatuntunan ng pamahalaan tungkol sa agrikultura at ang pagdaragdag ng produksyon ng mga pananim na nailuluwas at naipagbibili sa bansa. Dahil sa palatuntunang ito dumami ang naipagbibiling niyog, abaka at asukal sa ibang bansa.
Ang isa pang produktong nagbibigay ng malaking kita sa pamahalaan ay ang tabako. Pinarami rin ang produksyon ng mga sumusunod na pang-komersyong produkto: ramie, goma, abaka at bulak.
[baguhin] Industriya ng Pagmimina
Isa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng kuwartang pumapasok noon sa bansa ang pagmimina. Sa tanso lamang na nailabas noong 1974, kulang-kulang na US$400,000,000.00 ang naipasok sa kaban ng bansa. Iyon ay pangalawa lamang sa asukal sa talaan ng sampung pinakamalaking kalakal na panluwas. Ang ginto ay pang-anim sa listahang yaon. Ang pagmimina ng nikel ay mabilis ring umunlad. Ang pagkuha ng karbon at paghanap ng langis ay lubusang binigyan ng diin ng pamahalaan sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor.
Mahigit sa sandaang kumpanya ang kinalaman sa industriyang ito na pinangungunahan ng Benguet Consolidated, Baguio Gold Mining Company, Acoje Mining Company, Marinduque Mining and Industrial Corporation, at Surigao Consolidated Mines.
Ang mga bansang Hapon at Estados Unidos ang pangunahing umaangkat sa mga produkto ng industriyang ito.
[baguhin] Ang Industriya sa Elektroniks
Unti-unti ring umunlad ang industriyang pang-elektroniks sa Pilipinas. Noong 1972 ang mga pagawaan ng elektroniks at nakagawa ng 20,073 radyo-ponograpo na nagkakahalaga ng Php 30,000,000.00 at 58,212 telebisyo na nagkakahalaga ng Php 70 milyon para sa panlokal at panlabas na bilihan.
[baguhin] Ang Cottage Industry
Ang mga bagay na yari sa kamay ay siyang bumubuo ng malaking bahagi ng mga produkto ng Cottage Industries. Ilan sa mga ito ang sumusunod: mga bag at maletang balat, patis, ceramics. burdadong mga damit, sumbrerong buntal, muwebles na nara, mga kaldero, mga lamparang yari sa tela at kapis, gitara, banig, telang hablon, at mga produktong yari sa tanso na galing-Marawi
Mabilis na umunlad ang cottage industries na laganap sa iba't-ibang pook sa bansa. Maraming mga bansa tulad ng Hapon, Australya, Estados Unidos, Canada, Alemanya at Espanya ang umaangkat ng mga iyon sa pamamagitan ng Philippine Trade Center na nakatayo sa mga pangunahing lungsod ng mga bansang iyon.
Malakas magpasok ng dolyar sa kaban ng bansa ang industriyang ito. Minsan ay nakapagbigay ito sa bansa ng Php 508 milyong pakinabang neto. Hindi kataka-takang mangyari ito sapagkat ang pag-unlad ng industriyang ito ay pinananagutan ng National Cottage Industry Development Authority o NACIDA, isang tanggapan ng pamahalaan na naggagawad ng teknikal na alalay sa pananalapi sa hanapbuhay na iyon. Tungkol sa salapi, tumutulong ang Asian Development Bank (ADB), ang Social Security System at ilang pribadong bangko.
[baguhin] Industriya ng Turismo
[baguhin] Mga Talaan
- ↑ “Mandate for Greatness,” First Inaugural Speech of President Ferdinand E. Marcos, 30 December 1965.
- ↑ Ibid.
- ↑ Nauna ng binawi ng Pangulo ang kautusan noong ika-18 ng Setyembre, 1971 (sa bisa ng Proklamasyon Blg. 889-B)sa mga sumusunod na lalawigan at lungsod: Mga lalawigan: Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Pangasinan, Batangas, Catanduanes, Masbate, Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan, Negros Occidental, Negros Oriental, Cebu, Bohol, Capiz, Aklan, Antique, Iloilo, Leyte, Leyte del Sur (Southern Leyte), Northern Samar, Eastern Samar at Western Samar; Mga "sub-provinces": Guimaras at Biliran; Mga lungsod: Laoag (Ilocos Norte), Dagupan (Pangasinan), San Carlos (Pangasinan), Batangas City and Lipa (Batangas), Puerto Princesa (Palawan), San Carlos (Negros Occidental), Cadiz, Silay, Bacolod City, Bago City, Kalaon ,La Carlota, bais, Dumaguete, Iloilo City, Roxas, Tagbilaran (Bohol), Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue, Danao, Toledo, tacloban, Ormoc, at Calbayog.
Noong ika-25 ng Setyembre,1972 binawi ng Pangulo (sa bisa ng Proklamasyon Blg. 889-C) ang kautusang pumipigil sa writ sa mga sumusunod na lalawigan at lungsod: Mga lalawigan: Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Bukidnon, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Sulu
Noong ika-4 ng Oktubre 1971, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 889-D, binawi ng Pangulo ang suspensyon ng writ sa mga sumusunod na lalawigan at lungsod: Mga lalawigan:Cagayan, Cavite, Mountain Province, Kalinga-Apayao, Camarines Norte, Albay at Sorsogon; Mga lungsod: Cavite City, Tagaytay, Trece Martires at Legaspi
Noong ika-7 ng Enero 1972 ganap ng binawi ng Pangulo ang suspensyon ng writ sa mga nalalabing lalawigan at lungsod: Mga lalawigan:Bataan, Benguet, Bulacan, Camarines Sur, Ifugao, Isabela, Laguna, Lanao del Norte, Lanao del Sur, North Cotabato, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pampanga, Quezon, Rizal (Greater Manila Area), South Cotabato, Tarlac at Zambales; Mga "sub-provinces": Aurora at Quirino; Mga lungsod:Angeles, Baguio, Cabanatuan, Caloocan, Coatabato, General Santos, Iligan, Iriga, Lucena, Manila, Marawi, Naga, Olongapo, Palayan, Pasay City, Quezon City, San Jose at San Pablo. - ↑ “First Address to the Nation Under Martial Law,” Radio-TV Address of President Marcos, 23 September 1972
- ↑ Ibid.
- ↑ Ibid.
- ↑ Ibid.
- ↑ Ang ilan sa mga opisyales na itinawalag sa pamahalaan ay ang mga sumusunod: Sina Commissioner Jose Evangelista at Associate Commissioners Filemon Kintanar, Gregorio Panganiban, Josue Cadiao, and Paz Veto Planas ng Public Service Commission; Justiniano N. Montano, Jr. tagapangulo ng Games and Amusement Board dahil sa katiwalian;Wenceslao Cornejo , isang hukom sa Maynila dahil sa "(a) willful violation of the Constitution and the Rules of Court and (2) intervention in the disposition of a case in another branch of the City Court of Manila" at Enrique Cube, assistant city fiscal ng Lungsod ng Pasay dahil sa "gross misconduct and dereliction of duty."
- ↑ "Retail food prices, Philippines Sunday Express (Setyembre 24, 1972), pahina 13
- ↑ Artikulo VII, Saligang Batas ng 1973
- ↑ Artikulo IX, Ibid.
- ↑ Artikulo VIII, Ibid.
- ↑ Artikulo X, Ibid.
- ↑ Artikulo IV, Ibid.
- ↑ Artikulo V, Ibid.
[baguhin] Mga palabas na kawing
- Marcos Presidential Center
- Bidyo ng The Revolution From the Center na ipinalbas noong 1978 ng National Media Production Board na tumatalakay sa mga punyagi ng Bagong Lipunan
- Malacañang Museum: Marcos E. Marcos (sa wikang Ingles)
Sinundan: Pedro A. Albano |
Kinatawan, Ikalawang distrito ng Ilocos Norte 1949–1959 |
Susunod: Simeon M. Valdez |
Sinundan: Eulogio Rodriguez |
Pangulo ng Senado ng Pilipinas 1963–1965 |
Susunod: Arturo Tolentino |
Sinundan: Diosdado Macapagal |
Pangulo ng Pilipinas 1965–1986 |
Susunod: Corazon Aquino |
Sinundan: Ibinalik Posisyon ay huling hinawakan ni Pedro Paterno |
Punong Ministro ng Pilipinas Hunyo 12, 1978 – Hunyo 30, 1981 |
Susunod: Cesar Virata |
|