Fanny Garcia
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Marso 2007) |
Pinagdududahan ang kawalan ng kinikilingan ng artikulong ito. Mangyaring tignan ang usapan. (Marso 2007) |
Si Fanny A. Garcia ay ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal na sa kasalukuyan ay Malabon City na. Isa siyang guro, manunulat, mananaliksik, editor, at tagapag- salin. Nagtapos ng Bachelor of Science sa edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakamit din niya ang kanyang Master of Arts at Ph.D.sa Filipino sa Malikhaing Pagsulat sa nasabing pamantasan..
Gawad-Chancellor Awardee bilang pinakamahusay mag-aaral sa Ph.D. sa Malikhaing Pagsulat. Siya rin ang kauna-unahang nagtapos sa programang Malikhaing Pagsulat sa antas masterado at doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Scriptwriter ng pelikulang ”Saan Darating Ang Umaga?” (Viva Films, Inc., 1983) na nominado sa kategoryang Best Story at Best Screenplay. Nalathala ang dulang pampelikula nito sa "Apat na Screenplay" na kaniyang inedit kasama si Armando Lao, kapwa premyadong mandudula sa pinilakang tabing. Premyadong manunulat din siya sa Carlos Memorial Palanca Awards para sa mga kategoryang maikling kuwento, sanaysay, iskrip, at kuwentong pambata. Nakapaglathala na siya ng anim na libro: Sandaang Damit at Iba Pang Maikling Kuwento (1994); Apartment 3-A Mariposa St. (1994); Pitong Teleplay (1995), co-editor; Apat na Screenplay (1997), co-editor; Erik Slumbook Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong Austistic (2004), Family Album (2005). Kasama rin siya sa mga manunulat na nasa CCP Encyclopedia of Philippine Art, VolumeIX, Literature at kasalukuyang nagtuturo sa Pamantasang De La Salle. Naglilingkod din siya bilang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa nasabing unibersidad.
Pinakatagumpay niya sa pagsusulat ang magwagi ng National Book Award para sa Autobiography ng Manila Crtics' Circle para sa librong "Erick Slumbook".