CALABARZON
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rehiyong IV-A CALABARZON |
|
Sentro ng rehiyon | Lungsod ng Calamba, Laguna |
Populasyon
– Densidad |
9,320,629 574.3 bawat km² |
Lawak | 16,228.6 km² |
Dibisyon – Lalawigan |
5 11 131 4,012 19 |
Wika | Tagalog |
Ang CALABARZON ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na mga lalawigan: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ang mga lalawigan na ito ay mga lalawigan ng Rehiyon IV-A na nasa pangunahing isla ng Luzon. Ito ang acronym ng mga nabanggit na mga lalawigan.
Ang rehiyon na ito ay nasa Timog-kanlurang Luzon,timog at kanlurang bahagi ng Metro Manila, at pumapangalawa sa pinaka-mataong rehiyon.
Ang CALABARZON at MIMAROPA ay dating magkasama bilang Timog Katagalugan hanggang ito ay paghiwalayin sa bisa ng Executive Order No.103, noong ika-17 ng Mayo 2002.
Sa bisa ng Executive Order No. 246, na nilagdaan noong ika-28 ng Oktubre 2003, ang Lungsod ng Calamba ay itinalagang sentrong pang-rehiyon ng CALABARZON.
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga lalawigan
Lalawigan | Capital | Papulasyon (2000) |
Area (km²) |
Pop. density (per km²) |
|
---|---|---|---|---|---|
Batangas | Lungsod ng Batangas | 1,905,348 | 3,165.8 | 601.8 | |
Cavite | Lungsod ng Trece Martires | 2,063,161 | 1,287.6 | 1,602.3 | |
Laguna | Santa Cruz | 1,965,872 | 1,759.7 | 1,117.2 | |
Quezon | Lungsod ng Lucena | 1,463,030 | 8,706.6 | 171.7 | |
Rizal | Lungsod ng Antipolo | 1,707,143 | 1,308.9 | 1,304.3 | |
Ang Lucena ay isang mataas na urbanisadong lungsod; hindi na kalakip ang mga data mula sa lalawigan ng Quezon.
[baguhin] Mga Lungsod
- Lungsod ng Antipolo, Rizal
- Lungsod ng Batangas, Batangas
- Lungsod ng Calamba, Laguna
- Lungsod ng Cavite, Cavite
- Lungsod ng Lipa, Batangas
- Lungsod ng San Pablo, Laguna
- Lungsod ng Santa Rosa, Laguna
- Lungsod ng Tagaytay, Cavite
- Lungsod ng Tanauan, Batangas
- Lungsod ng Trece Martires, Cavite
[baguhin] Mga Gubernador
- Erineo "Ayong" S. Maliksi ng Cavite
- Maria Vilma Santos-Recto ng Batangas
- Teresita "Ningning" S. Lazaro ng Laguna
- Casimiro B. Ynares, Jr. ng Rizal
- Wilfrido "Willie" L. Enverga ng Quezon
[baguhin] Silipin din