Boy Alano
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Boy Alano | |
---|---|
Kapanganakan | Marso 14, 1941 |
Si Boy Alano (isinilang noong Marso 14, 1941) ay isang artista at direktor na Pilipino. Siya ay kontratado ng Sampaguita Pictures.
Palagian niyang kasama sa pelikula si Tessie Agana. Nakasama rin niya sa pelikula sina Rosemarie at iba pang Stars of 66. Gumanap din siya bilang isang bakla sa pelikulang Juanita Banana noong 1969.
Taong 1958 nang gawin niya ang pelikulang The Day of the Trumpet ng C.H. Santiago Film Organization kung saan ang mga gumanap dito ay mga artistang Pilipino at Amerikano. Sa pelikulang ito nakamit niya ang gawad na pinakamahusay na batang artista sa 5th Asian Filmfest.
[baguhin] Pelikula
- 1951 - Roberta
- 1951 - Anghel ng Pag-ibig
- 1952 - Rebecca
- 1953 - El Indio
- 1953 - Munting Koronel
- 1953 - Anak ng Espada
- 1953 - Maldita
- 1954 - Kiko
- 1954 - Musikong Bumbong
- 1955 - Kuripot
- 1956 - Prince Charming
- 1957 - Batang Bangkusay
- 1958 - The Day of the Trumpet