Bathala
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mula sa mitolohiya ng mga lumang Tagalog: si Bathala ang makapangyarihang diyos. May mga kasama siyang ibang diyos, sina: Maria Makiling, Minukawa, Kabunian at iba pang mga anito. Sa lahat ng ito, si Bathala ang punong diyos o pinaka-ama ng lahat ng mga diyos.
Kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal. Siya ang makapangyarihang diyos, pinaniniwalaan ng mga sinaunang Tagalog at hari ng mga Diwata. Lahat ng mga paniniwalang ito ay naipluensya ng mga Kastila . Pinalitan nila ang lumang pananampalataya ng mga lumang Tagalog sa Kristiyanismo. Si Bathala ay inuugnay sa Diyos ng rehiliyong Kristiyanismo, at ang ibang diyos-diyosan ay pinalitan ng mga santo. Kaya, sa panahong nagyon, ang salitang "Bathala" ay tinatawag sa Diyos ng Rehiliyong Kristiyanismo ng mga Pilipino nagyon.