Asin (banda)
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Asin (binaybay minsan bilang ASIN, naka-kapital ang lahat ng mga titik) ay isang bandang Pinoy rock at folk rock mula sa Pilipinas. Nabuo sila noong dekada 1970 at unang nakilala bilang Salt of the Earth mula sa awitin ni Joan Baez, ngunit isinalin nila sa Tagalog ang pangalan ng banda at naging "Asin".
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga kasapi
- Pendong Aban - sa kalaunan binuo ang grupong Ang Grupong Pendong
- Lolita Carbon
- Saro Bañares - pinatay noong 1993 pagkatapos ng isang kaguluhan sa isang bar brawl sa Cotabato
- Mike Pillora
[baguhin] Kasaysayan
Pakatapos magbukas sa mga konsyerto ng mga bandang rock and roll noong kaniyang kabataan, nakilala ni Lolita Carbon sina Cesar "Saro" Bañares, Mike Pillora, and Pendong Aban Jr. sa Kola House, is folk rock club, at nagpasyang bumuo ng kanilang sariling grupong musikal at pinangalang Salt of the Earth.
Pumirma sila ng kontrata sa isang pangunahing record label at binago ang pangalan ng banda bilang Asin pagkatapos nang maghanap ang isang prodyuser ng "babaeng" Freddie Aguilar, na sinasamantala ang kasikatan ng folk rock sa Pilipinas noong huling bahagi ng dekada 1970. Kabilang sa kanilang unang album ang awiting "Anak" ni Freddie Aguilar at orihinal na gawa ang lahat ng mga natirang awitin sa album.
Ang ilang sa mga sikat na awitin ng Asin ang maka-kalikasang awitin na "Masdan Mo Ang Kapaligiran", "Ang Bayan kong Sinilangan", "Pagbabalik" at "Balita". Sang-ayon kay Pendong Aban na lumaki sa Lungsod ng Butuan, na karamihan sa kanilang mga awitin ay batay sa karanasan nila sa Mindanao. Dahil sa labis na ilegal na pagtrotroso at kaguluhan sa kanilang bayang sinilangan, sinulat nila ang mga liriko na umaasa sa kapayapaan at mas mabuting kapaligiran sa Mindanao. Sa kanilang musika, ginagamit nila ang kulintang at ibang tradisyunal na instrumento sa katimugang Pilipinas upang magbigay ng katutubong espiritu ang kanilang musika.
Noong 1993, napatay si Saro Bañares sa isang bar sa Cotabato, na nagdulot sa pagka-hiwalay ng grupo. Binuo ni Aban ang Ang Grupong Pendong, samantalang naging soloista si Carbon. Noong huling bahagi ng 2000, nagpasya sila na buuin muli ang grupo ngunit hindi na ninais ni Pillora na sumama sa kalunan, bagaman may basbas ni Pillora ang bagong album na ipapalabas ni Carbon at Aban. Ang album na Pag-ibig, Pagbabago, Pagpapatuloy, ang unang album ng Asin pagkatapos ng 12 taon, ay kinakabibilangan ng mga hindi pa naipapalabas na mga materyal ng yumaong si Bañares.
[baguhin] Mga piling awitin
- Ang Bayan kong Sinilangan
- Ang Buhay ko
- Ang Mahalaga
- Awit Para kay Agnes
- Aves de Rapina
- Baguio
- Balita
- Basta't Mahal Kita
- Batingaw
- Dahil sa Iyo
- Dalagang Pilipina
- Damdaming Nakabitin
- Gising na Kaibigan
- Hahabol-habol
- Hangin
- Hawak Mo
- Himig ng Pag-ibig
- Ikaw ang Mahal ko
- Ikaw-Kayo-Tayo
- Itanong mo sa mga Bata
- Kahapon at Pag-ibig
- Kapaligiran
- Kawangis
- Kung ako'y Mag-aasawa
- Lumang Simbahan
- Mag-isip ka
- Magnanakaw
- Magulang
- Mahiwaga
- Masdan Mo Ang Kapaligiran
- Monumento
- Pag-asa
- Pagbabago
- Pagbabalik
- Pag-ibig Pagmamahal
- Pamulinawen
- Panibagong Bukas
- Payo
- Pitong Gatang
- Rosas Pandan
- Sa Bawat Nilikha
- Sandaklot
- Sarung-banggi
- Sayang ka
- Sinisinta Kita
- Sorrente
- Tuba
- Tuldok
- Waray-waray
[baguhin] Ang Asin sa ibang gawa
Batay ang lirikong Tagalog ng "The Apl Song" ng Black Eyed Peas sa awitin ng Asin na "Balita". Sinasalaysay ng awiting "The Apl Song" ang mga paghihirap ni Allen Pineda, kasapi ng Black Eyed Peas, na kanyang naranasan noong kanyang kabataan sa Pampanga. Pinili niya ang "Balita" dahil lumaki siyang nakikinig sa mga awitin ng Asin.